Nagbigay ng update si Billy Crawford sa kanyang mga fans kasunod ng mga concern na kanilang ipinahayag matapos mag-viral sa social media kung saan makikita siyang payat at may namumutok na eyebags.
Marami ang nag-alala dahil tila nagkasakit umano ang aktor o kaya naman ay may matinding problema na kinakaharap.
Sa kanyang Instagram post, nagbahagi si Billy Crawford ng larawan matapos makapagpahinga mula sa matagal na byahe mula sa ibang bansa. Hiniling niya sa kanyang mga tagasuporta na magrelax na at huwag nang mag-alala pa dahil maayos na maayos naman ang kanyang kalagayan.
Matatandaang nag-viral ang isang screencap mula sa isang video na kuha habang kumakain si Billy Crawford kasama ang kanyang anak na si Amari kung saan makikitang tila nangayayat ito dahil sa labis na pagbagsak ng timbang.
Nagresulta ito sa pagtatanong ng ilang netizens kung mahina na ba siya dahil sa kanyang payat na hitsura o mayroon siyang bisyo na dahilan para masira ang kanyang pangangatawan.
Samantala ipinaliwanag na ni Billy Crawford sa kanyang mga nakaraang panayam na ang kanyang pagbabawas ng timbang ay resulta ng kanyang healthy lifestyle and diet. Iginiit niyang wala siyang anumang bisyo maski ang pag-iinum ay itinigil na rin umano niya.
Ayon sa kanya, nagsagawa siya ng intermittent fasting at ang keto diet.
Maging ang kanyang asawang si Coleen Garcia ay nag-publish din ng isang open letter upang tugunan ang mga alalahanin mula sa mga tagahanga ng kanyang asawa, na nagsasabi na ang hitsura nito ngayon ay nagmumukhang may malubhang sakit kaysa sa pagiging malusog.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!