Muli na namang napagkaisahan ng mga kasamahang It's Showtime hosts ang actress na si Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime.
Ito'y matapos ang pagkakapili kay Kim Chiu para sa random act of kindness para maghanap ng mga mag-jowang nagdi-date.
Napa-react naman rito si Vice Ganda, at natatawang taon kung bakit sa dinami-rami nilang hosts ay si Kim Chiu pa ang napili para maghanap ng mga magjowang nagdidate.
Gayunpaman, game na game pa ring naghanap si Kim Chiu ng mga jowang kasalukuyang nagdidate. Sinabi pa ni Kim Chiu na talagang pagbubutihan niya ang paghahanap ng mga magjowa.
Samantala, sa kamakailang social media post ni Kim Chiu nagpatulong na siya sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta para makahanap ng mga magjowa na mapupuntahan sa pamamagitan ng sasakyan.
May mga nagkomento naman sa post ni Kim Chiu kung saan ibinahagi nila ang larawan nila ni Paulo. Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu na sobrang busy umano nilang dalawa kaya naman iba na lamang ang erekomenda, bukod pa rito, hindi naman umano kailangang nila ni BMC ng ayuda dahil naipareserved nga nito ang buong EK.
Ang tinutukoy ni Kim Chiu ay ang mga karakter nila sa kanilang teleserye na What's Wrong With Secretary Kim? subalit, iba ang naiisip ng mga KimPau shippers.
Hinala ng maraming fans, na unti-unti na umanong inaamin nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kanilang pagmamahalan. Inuunti-unti lamang umano nila ang pag-amin sa kanilang relasyon dahil pareho silang nagmula sa isang hiwalayan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!