Napuno ng kilig ang mga tagahanga ng tambalang Paulo Avelino at Janine Gutierrez nang lumabas sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga balitang mayroong gagawin na big announcement ang dalawa sa darating na May 12, 2024.
Marami ang naghinalang ang isisiwalat ng dalawa ay ang totoong estado ng kanilang relasyon. Umaasa ang mga tagahanga ng dalawa na tuluyan nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon kahit pa halata naman na umano sa kanilang mga titigan at sa kanilang ipinapikitang sweetness sa likod at harap ng kamera.
Sa kabilang banda, mayroon namang naghinala na ang isisiwalat ng mga ito ay ang katuparan ng matagal nang hiling ng maraming mga netizens na magkasama sa iisang pelikula sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Matatandaan na matapos ang pagsasama nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa teleseryeng Linlang ay kaagad itong nasundan sa seryeng What's Wrong With Secretary Kim? na kamakailan lamang ay nagtapos na rin ang taping.
Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang umaasa na masusundan kaagad ang kanilang serye ng iba pang proyekto na pagsasamahan dahil hindi naman maitatanggi ang kanilang malakas na chemistry.
Bukod sa katuparan ng pagsasamahan pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino marami ang umaasa na magtuloy-tuloy na ang pagkakalapit nila sa isa't-isa ngayong parehong malaya na sila sa kani-kanilang mga nakarelasyon.
Ayon sa mga tagahanga ni Kim Chiu, hindi na masama kung isisiwalat ngayon ni Kim Chiu na nanliligw o sila ni Paulo Avelino dahil nauna na rin namang umamin si Xian Lim na mayroon na itong panibagong girlfriend.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!