Kim Chiu May Sagot Sa Ex Na Si Xian Lim!

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Naging laman sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang It's Showtime host-actress na si Kim Chiu matapos nitong magbahagi ng isang pahayag na pinaghihinalaan ng maraming mga netizens na siyang kasagutan niya sa viral statement ng kanyang ex-boyfriend na si Xian Lim.


Matatandaan na mabilis na pinag-usapan sa social media ang naging sagot ni Xian Lim sa isang katanungan sa Family Feud na 'ano ang sasabihin mo kapag nakasalubong mo ang iyong ex-girlfriend'.


Ayon kay Xian Lim, kapag nakasalubong niya ang kanyang ez ay sasabihin niyang sana ay natagpuan na nito ang kasiyahan na matagal na nitong hinahanap.


Bagama't wala namang sinabing pangalan si Xian Lim kung sino ang kanyang tinukoy na ex-girlfriend sa kanyang naging pahayag marami ang naghinala na ang kanyang pinapatungkolan rito ay walang iba kundi ang aktres na si Kim Chiu.


Samantala, sa isang episode ng It's Showtime sa segment na 'Expecially For You' ay muling naging sentro ng tuksuhan ng mga host si Kim Chiu, matapos tanungin ng ex ng searcher ang mga searchee kung ano ang kanilang magiging reaksyon sakaling sabihin sa kanila ng karelasyon ang katagang, 'Sorry may mahal na akong iba'.


Game na game na sumagot ang mga It's Showtime host sa katanungang ito subalit mas naging matunog ng si Kim Chiu na ang nagsabi sa linyang 'Sorry may mahal na akong iba'.


Nagbiro pa si Vice Ganda at hinarap ang screen na tila bay may kinakausap sabay sabing, 'Sorry meron na akong iba! Nauna ka lang, akala mo, ha?'


Pabiro naman itong tinulak ni Kim Chiu sabay ang pabirong pagwalk out.


Nang bumalik naman si Kim Chiu sa stage ay muling nagbiro si Vice Ganda at sinabing,  "Nag-text kay Kim yung ex niya. 'Kumusta ka na, masaya ka na ba?' Sagot niya, 'To follow.'"


Bagama't walang pangalan na nabanggit hindi naman maitatangging base sa mga pahayag na ginamit ni Vice Ganda ay malalaman na kung sino ang kanyang tinutukoy sa mga pahayag.


Ayon sa mga fans ni Kim Chiu, tila ito na ang sagot ng aktres sa mga pinagbubunyag ni Xian Lim patungkol sa kanilang hiwalayan, matapos nitong aminin ang kanilang relasyon ni Iris Lee.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo