Kim Chiu Paulo Avelino Magkasamang Nag Gym, Kim Chiu Nagbigay Ng Update

Biyernes, Mayo 31, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang panayam ni Kim Chiu sa showbiz reporter na si MJ Felipe.


Kabilang sa mga naitanong kay Kim Chiu ay kung paano nila pinaghandaan ni Paulo Avelino ang trending nilang bed scene sa Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim.


Ayon kay Kim Chiu, ginabayan siya ng maayos ni Paulo Avelino sa kanilang bed scene dahil hanggang cabinet scene lamang ang kaya ng kanyang powers.


Labis naman itong kinakikiligan ng mga KimPau fans dahil kung pagbabasehan ang mga naging pahayag ni Kim Chiu ay mahihinuhang talagang napaka komportable na nila sa isa't-isa dahilan para hindi na mailang si Kim Chiu kahit baguhan pa lamang siya sa mga ganoong uri ng roles.


Sa kabilang banda, lalo namang nagniningning ang mga mata ng mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu nang kumalat sa social media ang mga video clips kung saan makikitang magkasama ang dalawa sa isang gym at sabay na ginawa ang kanilang workout routines.


Sa  ngayon ay talagang naghihinay-hinay lamang sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang pagkilala sa isa't-isa gayunpaman, naniniwala ang marami sa kanilang mga tagahanga na mapapasaan rin at darating din ang panahon na aamin na ang dalawa sa kanilang pagmamahalan.


Subalit, hindi pa rin nawawala ang ilang mga agam-agam ng ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na baka ay muli lamang na masaktan ang aktres dahil kilala na umano itong si Paulo Avelino na magaling na magpaasa kagaya na lamang sa ginawa nito noon kay Janine Gutierrez,


Hiling nila na sana sa pagkakataong ito ay magseryoso na si Paulo Avelino kay Kim Chiu at huwag itong magbigay ng mga false hope para sa aktres na kamakailan lamang ay nakaramdam ng matinding pagkabigo dahil sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend sa loob ng 12 years na si Xian Lim.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo