Kyline Alcantara at Kobe Paras Nagde-Date Na Ngayon

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang nagdi-date ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras.


Napansin ng ilang mga netizens na tila nagkakaroon umano ng sekretong date ang dalawa dahil na rin sa mga magkakahawig na post na ibinabahagi nila sa kani-kanilang mga Instagram account.


Sa kamakailang Instagram stories ni Kobe Paras makikitang nasa isang bonggang restaurant ito base sa ibinahagi niyang larawan ng mga chefs, kapansin-pansin rin ang bouquet of flowers na nakapatong sa table nito at dalawang wine glass, indikasyon na mayroon siyang kasama sa table.


Samantalang, ibinahagi naman ng aktres na si Kyline Alcantara sa kanyang Instagram account ang larawan kung saan makikita na tila zinoom in lamang niya ng kunti ang larawang ibinahagi ni Kobe Paras.


Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Kyline Alcantara ang larawan kung saan makikita ang mga pagkain na inihain ng restaurant. Nahagip rin dito ang dalawang wine glass na bida sa post ng basketball player. 


Hinala ng maraming mga netizens na si Kyline Alcantara ang kasama ni Kobe sa iisang table.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang post na ito ni Kyline Alcantara. Marami sa kanyang mga tagahanga ang nagtatanong kung nagkakamabutihan na ba silang dalawa.


Marami sa mga fans ng aktres ang hindi nagustuhan ang pakikipag-ugnayan ni Kyline Alcantara kay Kobe Paras. Ayon sa ilang mga tagahanga ni Kyline na lalo silang maaawa rito dahil lalo itong pagtatawanan ng Legaspi family.


May mga hayagan pang nagpapayo kay Kyline Alcantara na pumili na lamang ng ibang lalaki huwag na si Kobe Paras na pinaniniwalaan nilang walking red flag.


May mga nagtatanggol rin naman kay Kyline Alcantara at sinabing hayaan na lamang ang aktres na magdesisyon sa kung ano ang gusto nitong gawin sa kanyang buhay dahil nasa tamang pag-iisip naman ito at alam kung ano tamang gawin at hindi.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Kobe Paras ay dating nakarelasyon si Erika Poturnak, ang anak ng batikang aktres na si Ina Raymundo.


Si Kyline Alcantara naman ay na-link sa dating onscreen partner na si Mavy Legaspi na nakilala sa MavLine love team.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo