Sumuko na sa National Bureau of Investigation si Cedric Lee ilang oras matapos lumabas ang hatol na guilty "beyond reasonable doubt" sa kasong serious illegal detention for ransom ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.
Bukod kay Cedric Lee, kasamang sinampahan ng kasong serious illegal detention for ransom ni Vhong Navarro sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.
Ayon sa pahayag ng NBI director na si Atty. Medardo Dilemos, inaresto ng mga NBI Agents si Cedric Lee sa isang lugar sa Mandaluyong matapos nilang makatanggap ng mensahe mula mismo kay Cedric Lee na susuko na ito.
Matapos ang pagsuko ni Cedric Lee, kaagad itong kinunan ng mugshot photo at fingerprints.
Samantala, kaagad namang napansin ng maraming mga netizens na talagang nakangiti pa si Cedric Lee sa kanyang mugshot photos.
Kakaharapin nina Deniece Cornejo, Cedric Lee kasama ang dalawa pang sangkot ang parusang reclusion perpetua o hindi bababa sa 40 years na pagkakabilanggo matapos mapatunayang guilty sila sa kasong isinampa ni Vhong Navarro.
Sa ngayon ay hawak na ng mga pulis sina Deniece Cornejo, Simeon Raz at Cedric Lee habang patuloy pa ring pinaghahanap si Ferdinand Guerrero.
Sa ngayon ay naghahanda na umano ang panig ni Cedric Lee ng apela upang mapawalang bisa ang naunang hatol sa kanila.
Patuloy naman na naniniwala si Cedric Lee na lalabas rin ang katotohanan at patuloy iginigiit ang kanyang pagiging inosente sa kasong isinampa sa kanila ni Vhong Navarro.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!