Mga Ari-Arian Ni Mayor Alice Gou Nabunyag, Hindi Matatawaran Ang Yaman!

Biyernes, Mayo 24, 2024

/ by Lovely


 Lalong nadadagdagan ang mga  katanungan ng maraming mga netizens patungkol sa pagkakakilanlan ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo habang tinatanong siya ng mga mambabatas tungkol sa kanyang kayamanan.


Sa pagdinig ng senado sa pangunguna ni Sen. Risa Hontiveros, inilarawan ni Mayor Alice Gou ang kanyang sarili bilang isang ordinaryong mamamayan ng bansa, subalit napag-alaman na nagmamay-ari siya ng ilang mamahaling sasakyan at maging ng isang helicopter.


Ipinakita ni Sen. Risa Hontiveros ang mga larawan kung saan makikita ang mga mamahaling sasakyan ni Mayor Alice Gou. Base sa report ay nagmamay-ari umano si Mayor Alice Gou ng humigit-kumulang 16 na mamahaling sasakyan at isang helicopter.


Dahil dito, marami ang nagtatanong kung paano nito nakuha ang ganoong yaman gayung siya ay naninirahan sa isang hindi masyadong mayaman na munisipyo at isa lamang umano siyang normal na mamamayan.


Isa sa mga sasakyang pagmamay-ari umano ni Guo ay ang McLaren 620R, na umano'y nagkakahalaga ng P16.7-M.


Gayunpaman, itinanggi ni Mayor Alice Guo na marami siyang pagmamay-aring sasakyan, ayon sa Alkalde na ang ilan sa mga sasakyan na ipinapakita sa mga larawan ay bahagi ng kanyang negosyong buy-and-sell ng sasakyan.


“Hindi ko na siya assets. Buy and sell din po kasi ang negosyo sa Westcars kaya may umiikot na sasakyan. Pero ang sasakyan na gamit ko ngayon GAC,” saad ni Mayor Alice Gou.


Inamin din ni Mayor Alice Gou na nakatanggap siya ng suporta mula sa kanyang ama, na isang mayamang negosyante sa China.


“Minsan 500K, minsan 1 million, 2 million. Hindi naman po siya on a regular basis,” pag-amin ni Mayor Alice Gou.


Sa kabila ng mga pagpaliwanag ng Alkalde, naniniwala pa rin ang ilang mambabatas na si Mayor Alice Guo ay may kaugnayan sa isang naka-blacklist na kumpanya sa Pilipinas


Samantala, sinabi rin ni Senate President Chiz Escudero na magiging mahirap na tanggalin si Mayor Alice Guo sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang Alkalde dahil hindi pa naman napapatunayan ang mga bintang laban sa kanya.


“Oo may rason para mag-alanganin tayo, pero yung presumption ay nananatili pa rin siya ay nakatakbo, siya ay registered voter, may passport siya na Pilipino siya. Nasa nagsasabing hindi na patunayan yun,” pahayag ng Senate President.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo