Mika Dela Cruz Ipinakita ang Baby Bump niya sa Wedding nila ni Nash Aguas!

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang nagdadalang tao si Mika Dela Cruz matapos mapansin ng maraming mga netizens ang tila baby bump ng aktres na makikita sa hapit niyang wedding dress.


Matatandaan na ginulat nina Nash Aguas at Mika Dela Cruz ang maraming mga netizens nang maglabasan sa social media ang kanilang wedding photos. Walang kaalam-alam ang marami na nagbabalak na palang magpakasal ang childhood sweethearts na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz na parehong kabilang sa mga nagku-cutan bata sa Goin' Bulilit noon.


Samantala, iniisyu naman ngayon ng maraming mga netizens ang ilang mga kuhang larawan ng dalawa dahil sa mga naglabasang hinala na nagdadalang tao ang aktres dahil sa may kalakihan niyang tiyan na makikita.


Hinala ng maraming mga netizens na baby bump na ito at tila nasa tatlo o apat na buwan na. May mga nakapansin rin na sa ibang mga larawan na ibinahagi ay tila sadya umanong tinatakpan ni Mika ang kanyang tiyan.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabing hindi na masama kung totoong buntis na si Mika Dela Cruz dahil parehong 25 na sila ni Nash Aguas at tila handa na rin naman sila na maging magulang. Bukod pa rito, ay ikinasal na ang dalawa patunay na nagiging responsible na ang aktor sa kanyang magiging mag-ina kung sakaling totoong nagdadalang tao na ang aktres.


May mga naniniwala rin naman na hindi buntis si Mika Dela Cruz, tabain lamang umano ito dahilan para lumaki ang kanyang tiyan. Binalikan rin nila ang pag-amin noon ng aktres sa pagkakaroon ng auto-immune disease na siyang dahjlan ng kanyang pagtaba.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo