Tinawag ng baluga at sinabihang walang chance na manalo ang newly crowned Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Manalo ng writer-director na si Ronaldo Carballo.
Umaani ngayon ng samum't-saring reaksyon sa social media ang naging pahayag ng writer-director na si Ronaldo Carballo patungkol sa kanyang saloobin sa itinanghal na panibagong Miss Universe Philippines na si Chelsea Manalo na siyang magiging representative ng bansa sa darating na Miss Universe 2024 pageant.
Matatandaan na bagama't marami ang natuwa sa pagkakatanghal kay Chelsea Manalo bilang Miss Universe Philippines 2024, marami rin ang nadismaya sa naging resulta dahil hindi nila inaasahang matatalo ng isang 'dark horse' ang mga frontrunners.
May mga nadismaya rin dahil hindi nanalo ang kanilang mga bet, katulad na lamang ng writer-director na si Ronaldo Carballo na ang nais sanang maging Miss Universe ay ang kandidata mula sa Cainta Rizal na si Stacey Gabriel.
Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Ronaldo Carballo ang kanyang pagkadismaya dahil nasayang lamang ang kanyang oras sa panonood ng Coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 na mas matagal pa ang commercials.
"Juiceku! Nagpuyat ako sa puro commercial na Ms. Universe Philippines na yan. Tas, isang balugang Ms. South Africa look lang ang mananalo! Paanong nangyari yun?!" pahayag ni Ronaldo.
Dagdag pa niya, "Ms. Cainta ang bet ko from the start of the Pageant. Maganda; sexy; at intelligent. Maganda magsalita; walang backel; Spontaneous. Effortless. Natural. Pang-Ms. Universe talaga! Kung sya ang nag-win, malaki ang chance ng Pinas sa Ms. Universe!"
Hindi rin naniniwala si Ronaldo Carballo na makakapasok kahit sa top 20 man lang sa Miss Universe Competition si Chelsea Manalo.
"Mark word, ni hindi papasok yang si Ms. Bulacan sa top 20 ng Ms. Universe! Andali namang i-judge, eh!"
Binatikos rin niya ang mga judges ng kompetisyon dahil sinayang umano ng mga ito ang pagkakataon na magkakaroon ng panibagong korona ang bansa sa Miss Universe pageant.
"Sinayang na naman nila ang chance na magkaroon uli sana ng ika-limang Ms. Universe ang Pilipinas, with Ms. Cainta na queenly'ng queenly ang aura at kabuuan nya.
Buwisit na mga judges yan!"
Ipinahayag din niya na kung siya ang tatanungin si Miss Cainta talaga ang totoong Miss Universe Philippines 2024.
"CONGRATS MS. CAINTA. YOU WERE ROBBED OF THE CROWN! YOU ARE THE REAL MS. UNIVERSE PHILIPPINES 2024!!!"
Kaagad naming umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang naging pagbabahaging ito ni Ronaldo Carballo.
May mga sumangayon sa kanyang naging pahayag subalit, may mga nagsasabi rin naman na dapat ring bigyan ng pagkakataon si Miss Chelsea Manalo na ipakita ang kanyang galing sa Miss Universe 2024 at suportahan na lamang siya ng lahat ng mga Pilipino.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!