Nagbigay na ng pahayag ang Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Manalo patungkol sa mga taong hindi nasiyahan sa pagkakatanghal niya at sa pagtawag sa kanya na baluga ng isang writer-director na si Ronaldo Carballo.
Tila sinagot na ng Miss Universe Philippines 2024 na si Chelseaang pagtawag sa kanyang 'baluga' ni Ronaldo Carballo matapos maitanghal na Miss Universe Philippines kung saan siya ang ipapadala ng bansa na representative sa darating na Miss Universe 2024 sa Mexico.
Hindi nagustuhan ni Ronaldo Carballo ang naging resulta ng Miss Universe pageant dahil natalo ni Chelsea Manalo na kandidata mula Bulacan ang kandidatang kanyang sinusuportahan kaya naman hindi nito napigilan na maglabas ng kanyang saloobin kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya.
Kaagad naman siyang binatikos ng maraming mga netizens at inihayag ang kanilang pagsalungat kay Ronaldo Carballo dahil sa pang-ookray niya kay Chelsea Manalo.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Chelsea Manalo sa kamakailang panayam sa kanya matapos maitanong kung ano ang kanyang reaksyon sa mga taong nang-ookray sa kanya at duda kung maiuuwi ba niya ang ikalimang korona ng Miss Universe sa bansa.
Ayon kay Chelsea Manalo, nirerespeto niya ang mga opinyon ng ibang tao laban sa kanya kahit pa ang mga masasakit na salita na ibinabato sa kanya. Ipinahayag rin niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya sa ipinakitang pagsuporta sa kanya.
Nagpapasalamat din si Miss Universse Philippines 2024 Chelsea Manalo sa mga taong naniniwalang kaya niyang manalo at mag-stand out sa lahat ng mga delegates mula sa iba't-ibang bansa.
Dahil sa naging pahayag na ito ni Chelsea Manalo, lalo siyang hinangaan ng maraming mga netzies dahil sa pagpapanatili ng positive vibes at hindi pagpapaapekto sa mga natatanggap na pambabatikos at panghuhusga ng ilang mga kapwa Pilipino.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!