Mystica React to Diwata Attitude Sa Kanyang Mga Customers

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Hindi na-impress ang social media influencer na si Mystica kung paano tratuhin ng internet sensation na si Deo Balbuena, a.k.a Diwata, ang kanyang mga tagahanga ngayon at kung paano niya pinamamahalaan ang kanyang negosyo.


Sa pamamagitan ng isang post sa Facebook, binatikos ni Mystica, na ngayon ay naninirahan sa United States, si Diwata dahil sa diumano'y walang interes na makipag-ugnayan sa kanyang mga customer.


Subalit, napansin umano ni Mystica na mas gusto ni Diwata na tanggapin at makipagsalamuha sa mga content creator na nagbibigay sa kanya ng mga regalo.


“Yung itsura ni Diwata ngayon nandidiri na sa mga taong gustong magpapicture sa kanya, kitang-kita na ‘yan sa videos online. Iba ang trato niya sa mga bumibili ng pares niya na talagang sumusuporta sa kanya pero pag siya ang bibigyan ng blessing todo asikaso siya buong araw,” pahayag ni Mystica.


“Alam ko, napansin niyo rin na balewala na yung mga taong pumila at kumakain sa paresan niya, ang bilis niyang nagbago, papaano pa hahanga ang tao sa kaniya kung ganoon siya, akala mo kung sino na siya na hindi na maabot!” pagpupunto ni Mytica.


Nagbigay rin ng payo si Mystica, na nagtatrabaho din sa food industry, kay Diwata na tugunan nito ang mga isyu sa kalinisan sa kanyang establisyimento.


“Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa iyo, yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mangbara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo,” pagpapayo ni Mystica.


“Hindi niya alam na ito ang magpapabagsak sa kanyang nilalangaw at dugyot na ugali, dugyot na katawan at pagmumukha at dugyot na paresan!” dagdag pa nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo