Ikinabahala ng maraming mga tagahanga ng komedyanteng si Boobay matapos itong himatayin sa stage sa kalagitnaan ng kanyang performance.
Muli na namang hinimatay ang komedyanteng si Norman Balbuena na mas kilala sa screen name na Boobay sa gitna ng kanyang performance sa dinaluhang event sa Aparri, Cagayan noong Martes ng gabi May 7, 2024.
Kasama ni Boobay sa pagtatanghal ang kanyang kapwa komedyante na si Pepita Curtis.
Habang nagtatanghal sina Pepita at Boobay ay bigla na lamang bumagsak at hinimatay si Boobay dahilan para pansamantalang mahinto ang show.
Bumagsak si Boobay sa gilid ng stage, sa may gilid ng stage, kaagad naman itong sinaklolohan ni Pepita Curtis at dalawa pang tao.
Labis namang nag-alala ang mga tagasuporta ni Boobay sa muling pag-atake ng kanyang silent siezure kagaya sa nangyari sa kanya noon sa naging guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong April 21, 2023.
Sa kabila ng nangyari kay Boobay kagabi, ipinahayag naman ng komedyante sa isang mensahe na maayos na ang kanyang kalagayan sa ngayon at pabalik na sila ni Pepitasa Metro Manila.
Ayon sa kwento ni Bobay, natutok lamang umano siya sa malakas na lighting kagabi dahilan para ma-trigger muli ang kanyang seizure subalit naging maayos naman kaagad ang kanyang pakiramdam.
Sa kabila ng nangyari kay Boobay, pinairal pa rin nito ang kanyang professionalism at tinapos nila ni Pepita ang show.
Naniniwala naman ang maraming mga netizens na bukod sa natutukan sa mainit na ilaw sa stage si Boobay, maari ring may kinalaman ang mainit na panahon para atakehin muli ng seizure si Boobay.
Ayon sa ulat ng PAG-ASA kahapon, May 7, kasama ang Aparri sa mga lugar sa buong Pilipinas na nakasama idineklarang nasa 'danger level' dahil sa mataas na heat index na umaabot sa 44 degree celcius.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!