Ogie Diaz at Cristy Fermin, Ginamit Raw Ang 'Negative Sensationalism' Laban Kay Bea Para Sa 'Views'

Biyernes, Mayo 3, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang legal counsel ng aktres na si Bea Alonzo patungkol sa totoong dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Bea Alonzo na sampahan na ng kaso ang mga showbiz columnists na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.


Tila nasagad na ang pasensya ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa mga maling impormasyon na kumakalat ngayon sa social media dahil sa mga pagsisiwalat nina Cristy Fermin at Ogie Diaz sa kani-kanilang mga social media platforms.


Matapos ang pormal na pagsasampa ng kaso ni Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutors Office, naglabas ng opisyal na pahayag ang legal counsel ng aktres upang maging malinaw na ang lahat.


Buong pahayag ng legal counsel ni Bea Alonzo, "The three separate criminal cases for cyber libel filed today against the named respondents are clear and very strong messages from our client, Ms. Bea Alonzo.


"She has endured all the defamatory and malicious statements against her character by these individuals in the past months or even years in silence, with dignity and grace.


"But there is always a limit and now is the time for definitive legal action."


Dagdag pa nito, "It must be underscored that in more than two decades of Ms. Alonzo’s illustrious career, this is the first time that she has taken positive steps against those who spread false news against her with the intent to besmirch her good reputation in the entertainment industry."


Naniniwala rin ang kampo ng aktres na si Bea Alonzo na ginagamit umano nina Cristy Fermin at Ogie Diaz ang 'negative sensationalism' labans sa aktres para pagkakitaan ito mula sa mga views.


 "Also, as a law abiding citizen & a dutiful taxpayer, Ms. Alonzo is enforcing her right in filing these complaints against these individuals who strategically employed negative sensationalism to drive views and followers in their favor through their social media accounts, reaping financial benefits at our client’s expense.


"Their deliberate actions aimed at tarnishing our client’s reputation not only demonstrate calculated intent but also raise questions about the transparency of their financial activities, particularly regarding potential tax obligations on their social media earnings due to the government, particularly the Bureau of Internal Revenue.


"The allegations in her complaints are supported with proper evidence."


Umaasa rin ang kampo ni Bea Alonzo na managot ang mga sangkot sa isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo