Pag Iyak Ni Angelika Dela Cruz Sa Kasal Ni Mika at Nash Aguas Binatikos

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Naging emosyunal ang celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz sa kanilang pag-iisang dibdib noong May 18, 2024 sa Tagaytay City.


Hindi napigilan nina Nash Aguas at Mika Dela Cruz ang kanilang mga emosyun habang nagpapalitan sila ng vow sa Adriano's Events Place and Prayer Garden na matatagpuan sa Tagaytay City.


Samantala, tila naging agaw-eksena naman ang kapatid ni Mika Dela Cruz na si Angelika Dela Cruz sa nasabing event dahil sa kanyang pag-iyak dala ng labis na kasiyahan.


Sa kumakalat na video, makikita ang pagiging emosyunal ni Angelika Dela Cruz habang tinatanaw ang kanyang kapatid na naglalakad papunta sa altar.


Makikita rin sa video ang pagluha ni Nash Aguas nang makita na niya ang kanyang bride, maging si Mika ay hindi rin napigil ang pag-iyak nang makita ang naghihintay niyang groom, mga bisita at ang lumuluha niyang kapatid.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang closeness ng magkapatid na sina Angelika Dela Cruz at Mika Dela Cruz. Sa katunayan, sa mga nagdaang panayam ni Mika ay palagi niyang ibinabandera ang closeness nila ng kanyang kapatid.


Inilahad rin ni Mika na dahil sa malaking age gap nilang magkapatid kung saan papasa na siyang maging anak nito, ang dahilan ng kanilang naiibang closeness at ng pag-aalaga nito sa kanya.


Samantala, may mga netizens naman na nang-ookray ngayon kay Angelika Dela Cruz sa kanyang pag-iyak sa kasal ng kapatid dahil tila naaagawan na umano nito ng eksena ang bagong kasal.


Subalit, kaagad itong ipinagtanggol na kanilang mga tagahanga at ipinunto na papasa na rin namang ina ni Mika si Angelika kaya ganoon na lamang ang pagbuhos ng emosyun ng aktres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo