Ipinaliwanag na ng aktor-host na si Paolo Contis kung bakit hindi siya nagbigay ng kasagutan sa tanong sa kanya ng press patungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng aktres na si Yen Santos.
Kamakailan lamang ay nahingan ng pahayag si Paolo Contis sa mga isyung naghiwalay na sila ni Yen Santos dahil sa pagbubura nito ng mga larawan nilang magkasama maging ang sweet birthday message nito sa actor.
Bukod pa rito, inunfollow na rin ni Yen Santos si Paolo Contis sa Instagram account nito.
Samantala, sa kamakailang panayam kay Paolo Contis ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda, ipinaliwanag ni Paolo Contis kung bakit hindi siya nagbigay ng komento patungkol sa relasyon nila ngayon ni Yen Santos.
Ayon kay Paolo Contis, hindi niya sinagot ang mga katanungan patungkol sa isyu nila ni Yen Santos bilang pagrespeto sa mga tao sa kanyang buhay.
Pahayag ni Paolo Contis, “I think dumating na kasi tayo sa point na feeling ko people think na we owe it to everyone to share what's happening to you. And I believe it's not part of my acting craft anymore. Habang nagsi-share ka nang nagsi-share lalo kang pakikialaman, and respeto sa mga tao sa buhay ko.”
Ayon pa kay Paolo Contis, na umabot na siya sa puntong hindi na niya sasabihin sa mga netizens ang kabuuan ng kanyang buhay lalo na ang mga personal na buhay na wala namang kinalaman sa kanyang akting career.
“It's time na 'yung mga pribadong bagay, 'yung mga walang kinalaman sa pag-arte mo or sa craft mo bilang artista, itira mo na 'yun para sa sarili mo.”
Ipinunto rin ni Paolo Contis na hindi kabilang sa kanyang responsibilidad bilang isang actor ang pagbabahagi ng kanyang buhay labas sa kanyang acting career katulad na lamang ng pamilya, paag-ibig at iba pa.
Inamin rin ni Paolo Contis na talagang apektado siya sa mga pambabatikos na natatanggap mula sa mga netizens laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Sa ngayon ay nagpopokus na lamang umano si Paolo Contis sa mga taong naniniwala sa kanya at patuloy na sumusuporta sa kanya.
Ipinunto rin ni Paolo Contis na hindi tama na gawing basehan sa hiwalayan ng isang relasyon ang pag-unfollow sa social media.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!