Paulo Avelino Nagpakita Na, Kim Chiu at Paulo Sabay Nawala Sabay Din Nangitim!

Huwebes, Mayo 16, 2024

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites ang aktor na si Paulo Avelino at ang kaloveteam nitong si Kim Chiu.


Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagiging missing in action ng dalawa noong kaarawan ni Paulo Avelino ilang araw na ang nakakalipas.


Dahil sabay na naging missing in action sina Kim Chiu at Paulo Avelino nitong mga nagdaang araw, marami sa kanilang mga tagahanga ang nag-iisip na magkasama silang dalawa sa pagbabakasyon sa beach para ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.


Bukod pa rito nag-ugat ang mga haka-hakang magkasama ang dalawa sa pagbabakasyon sa beach dahil marami ang nakanpansin sa pangingitim ni Kim Chiu. Sa kamakailang episode ng It's Showtime marami ang nakapansin sa pagiging uneven ng skintone ni Kim Chiu. Makikita ang bakat ng bra nito na sinuot sa swimming pahiwatig na matagal itong nagbabad sa araw.


Sa kabilang banda, marami rin ang nakapansin sa tila pangingitim rin ni Paulo Avelino, kumakalat ngayon ang mga larawan at video ni Paulo Avelino na kuha sa isang event.


Kapansin-pansing uneven rin ang kulay ng balat ng aktor at makikita ang bakat ng relo na sinuot nito.


Marami sa mga netizens lalong-lalo na ang mga KimPau fans ang nagbubunyi dahil wala na umanong duda na mayroong namamagitan sa dalawa dahil sa pagsasama nilang pagbabakasyon para ipagdiwang ang kaarawan ng aktor.


Samantala, may mga netizens naman nananawagan sa mga KimPau fans na huwag na munang pakialaman ang mga personal na buhay nina Kim Chiu at Paulo Avelino. 


Hindi rin umano maganda na pangunahan ng mga netizens ang dalawa dahil wala pa naman umano silang inaamin na anuman patungkol sa estado ng relasyon nilang dalawa ngayon bukod sa pagiging magkatrabaho.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo