Paulo Avelino Sinagot Ang Isyung Ginagamit Niya Si Kim Chiu

Miyerkules, Mayo 22, 2024

/ by Lovely


 Aktor na si Paulo Avelino, sinagot na ang isyung ginagamit niya ang Kapamilya actress at It's Showtime host na si Kim Chiu para maging matunog ang kanyang pangalan.


Hindi nagustuhan ng aktor na si Paulo Avelino ang mga kumakalat na isyu patungkol sa panggagamit niya kay Kim Chiu para maging matunog ang kanyang pangalan at tiyak na iiwan rin umano niya ito kapag nagsawa na siya o kung magkakaroon siya ng panibagong katandem kagaya na lamang sa ginawa niya noon sa aktres na si Janine Gutierrez.


Ayon kay Paolo Avelino, hindi niya ugaling manggamit ng ibang tao para maging daan ng kanyang kasikatan kaya naman hiniling niya na sana ay itigil na ang pagpapakat ng mga maling balitang ito patungkol sa kanya.


Iginiit din niya na mula noon ay wala siyang taong ginagamit para maging maingay ang kanyang pangalan sa larangan ng pag-arte. Iginiit din niya na bilang ka-partner ni Kim Chiu ngayon ay ayaw na ayaw niyang nasasaktan ang aktres.


Matatandaan kamakailan lamang ay naging laman ng mga usap-usapan sa social media sina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa pagdedebate ng kanilang mga tagahanga patungkol sa isyung ginagamit lamang umano ni Paulo Avelino ang kasikatan ni Kim Chiu kagaya na lamang sa kung paano ginamit noon ni Xian Lim ang aktres.


Sa labis na kasikatan na tinatamasa ngayon ng dalawa, marami sa mga netizens ang naniniwalang mas naka-advantage umano ngayon si Paulo Avelino sa tambalan nila ni Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga fans ni Kim Chiu, na nagagamit ni Paulo Avelino ang kasikatan ni Kim Chiu dahil ang aktres ay may exposure bilang host ng It's Showtime, may solid fan base at may maraming mga followers. Marami rin itong mga endorsement kaya naman nahihila umano ni Kim Chiu pataas si Paulo Avelino.


Sa nagaganap na tambalan ngayon ng dalawa kung saan may posibilidad pa na magkaroon sila ng pelikula marami ang nagsasabing si Paulo Avelino ang nasa victory side lalo umano itong mahihila ni Kim Chiu sa pagkakaroon ng maraming mga endorsements kagaya na lamang sa nangyari noong sila pa ni Xian Lim ang magkapartner.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo