Isiniwalat ng movie director na si Ronaldo Carballo na ang dalawang pelikulang Pilipino na inilabas kamakailan lamang ay maituturing na flop.
Sa kanyang Facebook post, inilahad ni Ronaldo Carballo ang dalawang pelikula na may pinakamababang ticket sales. Ito ay ang Isang Gabi, na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Diego Loyzaga, at Fuchsia Libre, na pinangungunahan naman nina Paolo Contis at John Arcilla.
Ipinahayag ng direktor ang kanyang pagkadismaya dahil sa mababang suporta ng mga lokal na pelikula mula sa mga Pilipino mismo.
Ayon pa kay Ronaldo Carballo, mas gusto ng mga tao ngayon na manood ng mga pelikula sa pamamagitan ng online streaming platforms.
“Wala na talaga sa formula yan. Kahit sinong artista ihain mo, ayaw ng tao. Ayaw na talaga ng mga tao manood ng local film sa sinehan,” pahayag nito.
“Ang mahal talaga ng panonood ng sine, kumpara sa ang mura naman ng Subscription ng Netflix at pwede pang ipasa sa iba ang Subscription ng libre,” dagdag pa niya.
Iminungkahi niya na mas makabubuting mag-collaborate na lang ang mga producer sa mga online streaming platforms at mag-produce ng mga film na may magandang quality upang tanggapin naman ng mga online streaming platforms.
“Kaya the best thing talaga ay i-produced ang Pelikula with Netflix quality at ibenta diretso sa Netflix, upang hindi naman laging luhaan ang Producer na walang bumabalik sa ipinuhunan,” saad nito.
Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa naging pahayag na ito ni Ronaldo Carballo.
Samantala may mga netizens rin naman na nagsasabing nakadepende pa rin yan sa mga artista gaganap sa pelikula dahil may mga Filipino film pa rin naman na nagiging blockbuster hits kagaya na lamang ng pelikula nina Kathryn Bernardo, Marian Rivera, Dingdong Dantes at ilan pang mga sikat at kilalang artista na hindi nakakatanggap ng pambabatikos.
May mga nagsasabing tiyak na magpa-flop ang pelikula ni Paolo Contis dahil sa mga pinagdaanan nitong intriga, sa sustentuhan ng kanyang mga anak, relasyon nila ni Yen Santos at sa pagkasangkot niya sa bangayan ng TAPE Inc. at ng TVJ.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!