Pokwang Binanatan Ang Tiktoker Na Si Tito Mars Na Nandidiri Sa Sardinas

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Hindi naitago ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang pagkadismaya sa content creator na si Tito Mars, na sumikat sa social media dahil sa kanyang mga video na nagpapakita ng pandidiri sa mga pagkain na kinakain ng mga ordinaryong Pilipino, tulad ng de-latang sardinas.


Sa kanyang Instagram post, ipinahayag ni Pokwang ang pagiging ‘insensitive’ ni Tito Mars at binalewala ang mga ordinaryong Pilipino para lamang makagawa ng content para sa mga views na nakukuha sa social media.


“Walang problema kung ayaw mo sa isang pagkain pero yung umarte ka at umasta na para bang diring diri ka sa uri ng pagkain na yun lang ang kaya ng karamihan sa ting kababayan, napaka insensitive mo ha,” pahayag ni Pokwang.


Dagdag pa ng komedyana, “Mga tao talaga ngayon makagawa lang ng content kahit mawalan na ng pusong tao walang pakialam for the views!!!!! Very evil!!! may kabayaran lahat yan hindi pa ngayon pero binibilang ni God yan pati mga panglalalit nyo.”


Sa ngayon malapit nang masuspinde ang mga social media pages ni Tito Mars dahil sa pagrereport ng maraming mga netizens sa iba't ibang platform. Binabatikos rin si Tito Mars hindi lamang ng mga ordinaryong mga netizens kundi maging ng ilang mga vloggers at celebrities.


Upang matugunan ang mga pambabatikos, nilinaw ni Tito Mars na hindi niya sinasadya na idisrespect ang mga pagkain na kinakain ng mga ordinaryong Pilipino at itinuring din niya ang kanyang sarili bilang mahirap.


“Unang-una ho, hindi po ako mayaman. Mahirap lang din po ako. So bakit ko kailangan bastusin ang pagkain ng mahihirap? Kung babastusin ko ‘yon edi direkta din akong matatamaan ‘don, kasi mahirap lang din po ako at hindi ako mayaman.”


Sa kabila nito, patuloy pa ring binabatikos si Tito Mars dahil sa kanyang pagiging insensitive sa mga pagkain na kinalakhan na ng maraming mga Pinoy. Marami ang nagsasabi na sana ay iba nalang ang ikinu-content nito hindi ang mga pagkain na pinaghirapan na ng iba para lamang mabili.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo