Production Staff ng Event, Ipinahayag Na Talagang Si Francine Diaz ang Sumapaw sa Banda

Biyernes, Mayo 3, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang isa sa mga staff na naroon sa kontrobersyal na event sa San Jose, Occidental Mindoro, kung saan nagkasapawan ang bandang Orange and Lemons at aktres na si Francine Diaz.


Nilinaw ng production staff kung bakit biglang sumulpot sa entablado ang Kapamilya actress na si Francine Diaz habang nasa platform na ang OPM band na Orange at Lemons para mag-perform.


Matatandaan na ang biglaang pag-akyat ni Francine Diaz sa stage ang naging dahilan kung bakit ang mga miyembro ng Orange at Lemons napa-walk out sa stage sa gitna ng kanilang paghahanda para sa kanilang performance.


Sa kabila nito, nananatiling cool ang Orange at Lemons at bumalik sila sa stage matapos ang performance ni ngunit hindi sinayang ng kanilang main vocals ang pagkakataong para magsalita patungkol sa biglaang pagsingit ni Francine Diaz.


“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan ko lang sabihin ‘to… Para sa mga artist, sana naman walang sumisingit… Respeto lang ba?” pahayag nito.


Sa pagkalat ng mga video clips mula sa nasabing insidente marami ang mga naglabasang mga haka-haka sa kung sino ang dapat na sisihin sa nangyari.


Marami ang nagsasabing parehong naging bastos ang dalawang panig dahil sa pananapaw rin nila kay Francine Diaz habang nagpi-perform ito.


May mga naniniwal a ring dapat ang organizers ang sisihin dahil pinatawag nila ang aktres sa stage kahit naghahanda nang magperform ang Orange and Lemons.


Upang maging malinaw na ang lahat naglabas na ng pahayag ang nagpakilalang production staff ng event at isiniwalat ang totoong nangyari.


Ayon sa netizen na si Jershey Kyle Cadiao, na naging bahagi ng production team ng event, ipinagpilitan umano ng manager ni Francine sa mga organizers na paakyatin na sa stage ang aktres, binalewala umano nito ang presensya ng Orange and Lemons na naghahanda na stage nung mga panahong iyon.


“Hindi po namin alam kung sino po ang susundin namin, nasa program po lahat, na last po si ma’am Francine, pero siningit po ng manager ni ma’am Francine na siya unahin kahit hindi po nila nasabihan ang orange & lemon,” pagsisiwalat nito.


Ipinagtanggol din niya ang production team, iginiit niya na ang insidente ay resulta ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kampo ni Francine Diaz, Orange and Lemons, at ng mga organizer ng event.


“May program po kaming sinusunod, hindi lang po nagkaintindihan ‘yung manager, organizer, at host ng event. Kami po kung ano lang ‘yung sinabi nila ‘yun lang po sinusunod namin, kaya po kahit kami nagulat sa nangyari,” dagdag pa nito.



Iginiit din niya na hindi nila pinabayaan ang kanilang tungkulin at sinubukan pa nilang tanungin ang mga organizers upang makakuha ng update tungkol sa programme, pahiwatig na ang paglabas ni Francine sa stage ay talagang biglaan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo