Ikinalulungkot ngayon ng maraming mga tagahanga ng actress-singer na si Francine Diaz ang natatanggap nitong bashing matapos lumabas sa ilang mga social media platforms ang isyung pagsingit nito sa performance ng Orange and Lemons Band sa isang event sa San Jose, Occidental Mindoro.
Naglabasan ang mga bali-balita na hindi umano nakapaghintay si Francine Diaz sa kanyang cue kaya naman sinapawan na nito ang performance dapat ng Orange and Lemons band gayung mauuna naman dapat ang mga ito sa pagperform at panghuli na dapat ang actress-singer.
Kumakalat pa ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan ng programme sa nasabing event kung saan makikita talagang panghuli dapat si Francine Diaz. Makikita sa programme na mauuna talaga ang performance ng Orange and Lemons dahil pang-finale na sana ng event ang paglabas ni Francine Diaz.
Sa kabilang banda, marami sa mga fans ni Francine Diaz ang nagsasabi na kahit ganoon ang nangyari, dapat ay hindi ang actress ang sisisihin ng mga netizens at banda kundi ang organizers ng event dahil matagal na inumpisahan.
Bukod sa matagal na nag-umpisa ang event tila nahiya umano ang mga organizers ng event kay Francine Diaz dahil alas 7 pa lamang ay naroon na ito sa event at matagal-tagal na ring naghintay. Samantalang ang Orange and Lemons ay dumating naman ng bandang 11 p.m na kaya naman tila napagdesisyunan ng organizers na paunahin na lamang si Francine Diaz.
Sa mga kumakalat na video, tila nagkasabay sa stage sina Francine Diaz at ang Orange and Lemons na naghahanda na sa kanilang performance.
Nabigla rin ang banda sa pagpasok ni Francine Diaz dahil buong akala nila ay sila muna ang magpeperform kaya naman pakiramdam nila ay sinapawan at inagawan sila ng spotlight ng aktres.
Hindi naman nagustuhan ng mga fans, ni Francine Diaz ang pambabastos ng gitarista ng banda sa performance ni Francine dahil kahit kumakanta na si Francine ay patuloy pa rin ang pagkalabit nito sa kanyang gitara.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!