Ronaldo Carballo Sinabing Hindi Siya Namemersonal Sa Pagtawag Na 'Baluga' Kay Chelsea Manalo

Lunes, Mayo 27, 2024

/ by Lovely


 Muling nagbigay ng pahayag ang writer-director na si Ronaldo Carballo patungkol kay Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens sa pagtawag niya rito na isang baluga.


Nakatanggap ng matinding pambabatikos sa social media si Ronaldo Carballo matapos tawagin ang Miss Universe Philippines 2024 winner na si Chelsea Manalo na “Baluga”. Sa pagtatangkang patahimikin ang mga netizens nagbigay muli ng pahayag si Ronaldo Carballo kung saan sinabi niyang hindi siya namimersonal kay Chelsea Manalo sa pagtawag niyang 'baluga' rito.


Matatandaang nag-viral sa social media si Direk Ronaldo Carballo matapos itong magpahayag ng pagkadismaya sa resulta ng Miss Universe Philippines, na ginanap noong nakaraang linggo.


Ang nais ni Ronaldo Carballo na mahirang bilang Miss Universe Philippines ay ang kandidata mula sa Cainta na si Miss Cainta Stacey Gabriel sa panahon ng pageant.


“Nagpuyat ako sa puro commercial na Ms. Universe Philippines na yan. Tas, isang balugang Ms. South Africa look lang ang mananalo! Paanong nangyari yun?!” pagra-rant ni Ronaldo Carballo.


Samantala sa isa pang post ni Ronaldo Carballo, ibinunyag nito na nakatanggap siya ng libu-libong mensahe mula sa mga netizens dahil sa kanyang mensahe laban kay Chelsea Manalo.


Iginiit niya na hindi siya lumampas sa linya sa paraan ng pagpuna niya sa resulta ng Miss Universe PH.


“Kinukuwestyon nila ko, komo hindi pumapabor sa kanila ang aking opinyon.

Bakit daw negative ang reaksyon ko sa pagkapanalo ng Ms. Bulacan sa Ms. Universe Philippines 2024? Eh, kayo, bakit nyo sya gusto? Ganun lang yun. A matter of taste. Kani-kanya lang tayo ng bet,” pagpupunto ni Ronaldo Carballo.


“Nothing personal. Hindi ko naman sya kilala at all. Ang reaksyon ko ay base lang sa resulta ng Pageant. Pero incase makita ko sya ng personal at may pagkakataon, I will congratulate her sincerely bilang Ms. Universe Philippines, gayung sya ang napiling mag-represent ng Pilipinas sa Ms. Universe Pageant sa Mexico City,” dagdag pa niya.


Nanindigan din si Ronaldo Carballo sa kanyang hula na hinding-hindi aabot si Chelsea Manalo sa Top 20 ng Miss Universe 2024, na gaganapin sa Mexico.


“So far, hindi pa ko nagkamali in the past results: Nung sinabi kong magiging Ms. Universe sina Katriona Grey at Pia Wurtzbach sa magkaibang taon, naging Ms. Universe nga sila talaga. Yung lahat din nang sinabihan kong, “She wouldn’t make it at the Ms. Universe”, hindi rin sila talaga lahat nagwagi. Andali naman kaseng i-judge ng Ms. Universe Pageant,” pagpapahayag pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo