Sachzna Laparan Kinabog Si Zeinab Harake Sa Marimar Trend

Huwebes, Mayo 16, 2024

/ by Lovely


 Hindi nagpahuli ang social media personality na si Sachzna Laparan sa nauusong 'Marimar' trend sa social media platforms.


Matatandaan na unang kumasa sa 'Marimar' trend ang social media personality na si Zeinab Harake, na kaagad namang nakakuha ng papuri mula sa mga netizens.


Samantala, ayon sa caption ni Sachzna Laparan sa kanyang video na nais lamang nitong maranasan minsan ang pagiging Marimar.


Kaagad rin itong pinusuan ng mga netizens at ng mga tagahanga ng social media personality.


Dahil magkasunod lang ang pagbabahagi nina Zeinab Harake at Sachzna Laparan ng kanilang mga 'Marimar' video hindi naiiwasan ng ilang mga netizens na pagkumpirmahin ang dalawang mga social media personalities.


May mga netizens ang nagsasbing mas nababagay na maging susunod na Marimar si Sachna Laparan.


May mga nagkomento ring talagang kinabog ni Sachzna Laparan ang entry ni Zeinab Harake.


Sa kabila nito, marami namang mga netizens na nanawagan na huwag nang pagkumparahin ang dalawa dahil may kanya-kanya naman silang style sa pagsayaw. Hindi rin umano nakakahealthy ang pagkukumpara sa mga contents ng mga vloggers.


Si Sachzna Laparan ay isang social media personality at pinasok na rin ang pag-arte. Sa katunayan ay kabilang ngayon si Sachzna Laparan sa “What’s Wrong With Secretary Kim” na napapanood sa VIU. Pinagbibidahan ito nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na  labis ring kinakikiligan sa kanilang tambalang “KimPau.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo