Hangang ngayon ay malaking katanungan pa rin ng ilang mga netizens ang totoong dahilan kung bakit hindi na nirenew ng TikToClock ang kontrata ng host-beauty queen na si Rabiya Mateo.
Matatandaan na kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa social media at ilang mga entertainment news sites ang isyung mamamaalam na si Rabiya Mateo sa variety show na TikToClock.
Ayon sa inilabas na pahayag ni Rabiya Mateo, hindi na umano nairenew ang kanyang kontrata dahilan ng kanyang pamamaalam.
Sa kabila nito, malaki naman umano ang kanyang pasasalamat sa TikToClock na siyang humasa sa kanyang hosting skills.
Hiniling naman ni Rabiya Mateo na kahit pa nagtapos na ang kanyang journey sa TikToClock ay sana mabigyan kaagad siya ng panibagong proyekto na kung maari ay hahasa naman sa kanyang akting skills.
Sa kabila nito, hindi pa rin maiwasan ng ilang mga netizens na intrigahin si Rabiya Mateo dahil sa mga naglabasang mga haka-haka na ang dahilan ng pagkakasibak ni Rabiya Mateo sa show at sa hindi pagrenew ng kontrata ay dahil sa pagiging attitude nito.
Ayon sa mga usap-usapang kumakalat ngayon, nag-attitude umano itong si Rabiya Mateo matapos mapagsabihan ng malate sa call time ng kanilang show dahil napasarap ang pakikipag-chikahan niya kay Miss Universe 2023 Sheynis Palacios.
Pinabulaanan din ng mga haka-hakang ito ang naging press conference ni Rabiya Mateo kung saan inihayag nitong magpo-pokus na lamang muna siya sa pag-arte.
Ang katotohanan umano ay na-offend si Rabiya Mateo sa AP ng TikToClock dahil napagsabihan siya noong malate sa show dahil lamang sa pakikipag-tsismisan kay Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios.
May mga chika pang nag-walk out si Rabiya Mateo dahil dito. Hindi naman malinaw kung si Rabiya Mateo mismo ang nagresign o kaya naman ay nasibak siya sa show.
Sinigundahan naman ito ng maraming mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kung magaling talaga ang isang host ay nirerenew naman ng management ang kanyang kontrata.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!