Vhong Navarro Babayaran Ni Deniece Cornejo at Cedric Lee Ng Danyos

Huwebes, Mayo 2, 2024

/ by Lovely


 Inilabas na ng Taguig Regional Trial Court sa kasong isinampa ng It's Showtime host na si Vhong Navarro laban sa model na si Deniece Cornejo at nobyo nitong si Cedric Lee.


Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court ng 'guilty beyond reasonable doubt' sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawa pang sangkpt sa kasong illegal detention for ransom na inihain ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


Hinatulan ng Reclusion Perpetua o nasa 40 years na pagkakakulong sina Deniece Cornejo at mga kasamahan nito ng Branch 153, Taguig Regional Trial Court nitong hwebes ng umaga May 2, 2024.


Bukod kay Deniece Cornejo at Cedric Lee kasama rin sa hatol ang dalawa pang sangkot na sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz.


"WHEREFORE, premises considered, this court hereby finds acused DENIECE MILLINETTE CORNEJO, CEDRIC LEE, FERDINAND GUERRERO and SIMEON PALMA RAAZ, GUILTY beyond reasonable doubt for the crime of SERIOUS ILLEGAL DETENTION FOR RANSOM, defined and punished under Article 267 of the Revised Penal Code, as amended; and hereby sentences them to RECLUSION PERPETUA," ayon sa hatol na pinermahan ng Presiding Judge na si Mariam Bien.


Samantala, kinansela na rin ng korte ang bail bond na inilagak ng mga suspetsado. 


Sa ngayon ay nasa kulungan na umano sina Deniece Cornejo at Simeon Raz na parehong pumunta sa promulgation.


Kaagad namang naglabas ng warrant of arrest ang korte para agarang maaresto sina Cedric Lee at Ferdinand Guerrero na parehong hindi dumalo sa promulgation hearing.


Sa kabilang banda, ipinag-uutos rin ng korte na magbayad ng 300,000 thousand pesos ang mga akusado kay Vhong Navarro bilang civil indemnity, moral damages at exemplary damages.


Maari namang na mag-apela ng mga akusado ang kanilang mga sintensya subalit hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananahimik ang panig ng mga ito.


Samantala, nagbigay na rin ng pahayag si Vhong Navarro kung saan inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong naniniwala at walang sawang sumusuporta sa kanyang pakikipaglaban para sa hustisya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo