Naniniwala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na hanggang ngayon ay binabatikos pa rin siya ng ilang mga netizens dahil sa biro niya noon patungkol sa beteranong newscaster na si Jessica Soho.
Habang nakapanayam niya si Awra Briguela, sinabi ni Vice Ganda na karamihan sa kanyang mga bashers ay paulit-ulit na binabanggit ang mga bagay na hindi nagustuhan sa kanya kahit pa ilang taon na ang nakalipas at pinagsisihan na niya ang lahat.
Ang tinutukoy ng kpmedyante ay ang kanyang biro noon laban kay Jessica Soho sa kanyang “I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta” concert, kung saan ginamit niya ang beteranong mamamahayag bilang paksa para sa kanyang mga jokes.
“Paulit-ulit ang definition ng mga taong ayaw sa akin which is enough for them to not like me. Isa lang ang definition ko: I made a joke about Jessica Soho. ‘Yun lang ang depinisyon ko sa mga taong ayaw sa akin, at habang buhay na nilang bibitbitin iyon para maging rason para magalit sila sa akin habambuhay.”
Binanggit ni Vice Ganda ang kanyang karanasan na ito kay Awra Briguela para ipaalala sa rito na ang kaguluhang idinulot nito noong nakaraang taon sa isang club sa Makati ay paulit-ulit ring pababalikan ng maraming mga netizens para magamit laban sa kanya hangga't naaalala ito ng mga tao.
“Kailangan mo siyang harapin kasi kung bina-band aid mo siya, hindi siya. Kailangan mo siyang gamutin. Kailangan mong gamutin ang sugat,” said Vice. “Hindi lahat ng tao, papaboran at magugustuhan ka. Kaya kailangan mong mag-adjust," payo ni Vice Ganda kay Awra Briguela.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay nasangkot sa isang kaguluhan si Awra Briguela sa isang bar sa Makati City kung saan nakunan itong nagwawala at may hinahabol na mga kalalakihan. Dahil dito, nakulong ng ilang araw si Awra Briguela matapos magsampa ng reklamo ang lalaking kinuyog nito.
Ayon sa mga kumakalat na balita, nainis si Awra Briguela dahil hindi ginawa ng lalaki ang kanilang dare na maghubad ng pantalon.
Humingi naman na ng patawad si Awra Briguela at na-settle na rin nila privately ng lalaki ang kaso nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!