Vice Ganda Binanatan Ang Pag Amin Ni Xian Lim Sa Relasyon Nila Ni Iris Lee

Lunes, Mayo 6, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang nag-aabang sa kung ano ang magiging reaksyon ng Kapamilya actress TV host na si Kim Chiu matapos ang pag-amin ng kanyang dating kasintahan sa loob ng mahigit isang dekada na nakikipagdate na ito ngayon sa ibang babae ilang buwan lamang matapos ang kanilang paghihiwalay.


Nitong May 2, 2024 tuluyan nang inamin ng actor-director na si Xian Lim na totoong nagkakamabutihan na sila ng film producer na si Iris Lee. Gayunpaman, itinanggi niya ang mga akusasyon at speculations ng maraming mga netizens na si Iris Lee ang third party at siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, naghiwalay muna sila ni Kim Chiu bago niya pinasok sa kanyang buhay si Iris Lee. Hiniling rin niya sa mga netizens na itigil na ang paglalabas ng mga haka-haka at paninira laban kay Iris Lee dahil hindi naman umano nito deserved ang lahat dahil napakabait nito.


Iginiit din ni Xian Lim na masaya na siya sa kanyang buhay ngayon at masaya siya sa namamagitan sa kanila ni Iris Lee.


Samantala, tila nagpahiwatig naman ang mga It's Showtime host ng pagsuporta kay Kim Chiu matapos ang pagsisiwalat ni Xian Lim na mayroon na itong bagong girlfriend ngayon.


Ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang pagmamahal kay Kim Chiu na kaagad namang sinigundahan ni Anne Curtis at tinanong ang aktres kung anong kanta ang kanyang kakantahin para sa sample.


Sumingit naman si Jhong Hilario kung saan tinanong niya si Kim Chiu kung nais ba nitong magpa-interview sa kanila, kaagad naman itong tinanggihan ni Kim Chiu at sinabing hindi naman na masakit.


Hindi naman na pinilit ng mga It's Showtime host na pagsalitain pa si Kim Chiu subalit, marami  sa mga netizens ang nagsasabing talagang naimbyerna si Vice Ganda sa ginawa ni Xian Lim kay Kim Chiu.


Idinaan umano ito ni Vice Ganda, sa pagtatanong sa madlang pipol kung may nagulat ba. Bagama't wala namang sinabi si Vice Ganda marami ang naniniwala na ito ang reaksyon ng Unkabogable Star sa isiniwalat ni Xian Lim patungkol sa relasyon nila ni Iris Lee.


Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga netizens ang naniniwalang si Iris Lee ang dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo