Xian Lim, Isiniwalat Na Unang Nakipaghiwalay Si Kim Chiu!

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Sinagot na ng Kapuso actor na si Xian Lim ang komento ng nagpakilalang Kapuso writer kung saan isiniwalat nito kung gaano siya kahirap na katrabaho. Nagbigay rin ng reaksyon ang aktor sa mga usap-usapang nagpaluto muna siya ng paboritong steak kay Kim Chiu bago niya ito hiniwalayan.


Sa kamakailang panayam ni Marinel Cruz kay Xian Lim, nilinaw na ng aktor ang ilang mga isyung ibinabato sa kanya matapos ang paghihiwalay nila ng aktres na si Kim Chiu, kabilang na ang isiniwalat ng nagpakilalang GMA writer na umano'y mahirap siyang katrabaho at ang isiniwalat ni Ogie Diaz patungkol sa request niya kay Kim Chiu bago niya ito hiwalayan.


Matatandaan na walang takot na inihayag ng nagpakilalang GMA writer na si Bryle Tabora na umano'y pinahirapan sila noon ni Xian Lim nang makatrabaho niya ito sa isang proyekto sa GMA7.


Kaagad itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, lalong-lalo na ng mga solid fans ni Kim Chiu na patuloy na naniniwalang si Kim Chiu ang dahilan kaya naging kilala sa larangan si Xian Lim.


Nilinaw naman ni Xian Lim ang isyung ito kung saan iginiit niyang hindi niya pinapahirapan ang mga nakasamang writer dahil nagtatanong lamang umano siya ng mga bagay-bagay patungkol sa mga karakter. Iginiit din niyang ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.


Pahayag ni Xian Lim, "But to answer your question, am I difficult to work with? I don't think so. I speak my mind on the set. I raise concerns, I give an opinion and ask questions about the character I am about to portray.


"As I should because it's my job to bring life to it.. Maybe it comes off as difficult to other people.. I'm just passionate about my craft."


Dagdag pa ng aktor, "Sadly when it comes to these kinds of rumors, it's easier to believe that artists are being difficult. That's the easiest fruit to pick. Rather than seeing how much effort we are putting in. Let's remember that there are always two sides to the story."


Nilinaw rin ni Xian Lim ang isyung siya ang unang nakipaghiwalay kay Kim Chiu at ang ichinika ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol sa pagpapaluto niy akay Kim Chiu ng paboritong steak.


Ayon kay Xian Lim, hindi niya alam kung bakit ganoon ang ginagawa ng ibang tao sa kanila na tila ba ginawa nang katatawanan ang kanilang mga buhay.


"I don't see where it's coming from. Is it because people are using us for entertainment? I cannot orchestrate that."


Iginiit din ni Xian Lim na hindi naman siya ang unang nakipaghiwalay kaya naman hindi na niya matiis ang mga kumakalat na fake news kung saan dinagdagan-binabawasan ang mga nangyari sa buhay nila ng aktres.


"I wasn't the one who initiated the breakup. All these fake news, all these dagdag-bawas, are just too much already."


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang aktres na si Kim Chiu patungkol sa mga kumakalat na balitang ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo