Xian Lim, Mahirap Daw Katrabaho Dahil Sa Masamang Ugali Nito

Lunes, Mayo 13, 2024

/ by Lovely


 Ibinahagi ng isang writer na nagtrabaho sa GMA Network kung paano katrabaho si Xian Lim at kung ano ang pakikitungo nito sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, inilahad din nito ang saloobin ng iba pang nakatrabaho noon ng actor-director.


Sa Facebook comment, ikinuwento ni Brylle Tabora, isang GMA writer na nagsasabing nakasama niya sa isang proyekto si Xian Lim noon, kung gaano kahirap ka-trabaho si Xian Lim.


Inilahad ni Brylle Tabora ang kanyang opinyon sa pakikipagsama ni Xian Lim sa isang social mediad post na may kaugnayan sa naging viral interview ng aktor, kung saan inamin niya ang kanyang relasyon sa producer na si Iris Lee.


“What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable,” komento nh GMA writer.


Samantala, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na may mga pumuna sa pag-uugali ni Xian Lim. Matatandaan na ilang beses na ring lumabas ang mga blind item patungkol sa isang actor-director na saksakan ng yabang at suplado na paghihinala ng marami ay walang iba kundi si Xian Lim.


Isa sa pinag-uusapang insidente ay ang pagtanggi ni Xian Lim tanggapin ang “I love Albay T-shirt” matapos dumalo sa isang event sa nasabing probinsiya.


Hindi naman ito nagustuhan ni Rep. Joey Salceda na siyang Governor nang Albay noong panahong iyon at hayagang binatikos si Xian Lim sa publiko dahil sa kanyang pagmamayabang at masamang attitude. Bukod pa rito, idineklara rin si Xian Lim bilang persona non-grata ng Albay.


“Xian Lim says in my face (Atty Carol) while handling the coffee table book in front of many – “I’m not here to promote Albay”.” If his road manager checks his record, Albay paid for his many guestings since way back in 2011 when his talent fee was just P75,000 (Ginoo ni Magayon) and now P350,000 for Fiesta Tsinoy Albay. It’s either 1. His parents did not raise him well. 2. He had bad education. 3. He is not managed well. 4. His character is inversely proportonal to his looks. 5. He is something,” pahayag ni Rep. Joey Salceda sa isang social media post noon.


Kaagad namang humingi ng paumanhin si Xian Lim subalit, hindi na ito tinanggap pa ng politician dahil hindi umano nito deserved ang kapatawaran, na hiningi lamang matapos batikusin ng maraming tao.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo