Xian Lim Nagmakaawa Kay Kim Chiu, Kim Chiu Nagmatigas!

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Muli na namang naglabas ng pasabog ang aktor na si Xian Lim patungkol sa naging kontrobersyal na hiwalayan nila ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.


Isniwalat ni Xian Lim na pinakiusapan niya ang kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu na i-announce ang kanilang breakup simula ilang linggo matapos ang kanilang paghihiwalay.


Sa kamakailang panayam kay Xian Lim, sinabi ng aktor na simula noong nakaraang taon ay nakatanggap na siya ng pambabatikos online dahil sa totoong estado ng relasyon nila ni Kim Chiu nang maglabasan ang mga haka-hakang nagkahiwalay na silang dalawa.


Dahil sa mga batikos na natanggap nito online, sinabi ni Xian Lim na ‘nakiusap’ siya kay Kim Chiu na maglabas ng pahayag para ibunyag sa publiko ang kanilang breakup.


Gayunpaman, tumanggi umano itong si Kim Chiu na isiwalat ang kanilang paghihiwalay dahil sa work-related reasons gayung personal na buhay naman umano ng aktres ang involved sa kanilang paghihiwalay.


“I was actually begging Kim, saying we should release a statement that we’ve already gone our separate ways, that we separated on good terms at walang sigawan. Of course, there were tears, pero walang masamang tinapay. I said, ‘Can we just release it? A lot of people are getting dragged into this, including my mom and grandmother,'” pagsisiwalat ni Xian Lim.


“I begged her that both of us could release a statement, but she said not yet because they’re doing the press launch of her series. I said, “But this isn’t work-related. It’s personal.” That’s the truth to it,” dagdag pang pahayag ng aktor.


Matatandaan na unang napabalita ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim noong October 2023, subalit, sa isang panayam noong November 2023 ay pinabulaanan ni Kim Chiu ang balitang naghiwalay na silang dalawa. Iginiit pa noon ng aktres na maayos ang kanilang relasyon at nililinlang lamang umano ang mga tao sa mapaglarong mundo ng showbiz.


Gayunpaman, noong December 23, 2023 ay tuluyan nang napaamin si Kim Chiu na wala na talaga sila ni Xian Lim na siyang ikinagulat ng maraming mga tagahanga nilang dalawa.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng reaksyon si Kim Chiu hinggil sa mga isiniwalat ni Xian Lim kung saan iginiit nitong ang aktres ang may gustong itago sa publiko ang kanilang paghihiwalay matapos ang 12 na relasyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo