Albie CasiñO Emosyunal Nang First Time Makita at Makarga Ang Kanyang Anak Sa America

Miyerkules, Hunyo 12, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang nagulat sa actor na si Albie Casino matapos niyang ibahagi sa kanyang mga social media followers ang unang pagkikita nila ng kanyang anak.


Nitong gabi ng martes, June 11, 2024 inupload ng actor ang video kung saan makikita ang ang pagdatiung ni Albie sa San Francisco International Airport.


Makikita naman na masaya siyang sinalubong ng kanyang mag-ina. Hindi naman naitago ni Albie Casino ang kanyang pagkasabik sa kanyang partner dahil hinalikan niya kaagad ang kanyang non-showbiz partner na si  Michelina habang karga-karga nito ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Roman Andrew.


Talagang hindi maitago ni Albie Casino ang kanyang kasiyahan at pananabik dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niya sa personal ang kanyang anak na isinilang ng kanyang partner sa Amerika. 


Sa caption ng kanyang post inilahad ni Albie ang kanyang kasiyahan sa pagiging isang ganap na tatay.


"A great man told me “being a dad has no days off and retirement” I wouldn’t have it any other way. I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man"


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at maging ng kanyang kasamahan sa showbiz industriya.


Marami ang nagpadala ng kanilang mga pagbati kay Albie Casino at may mga nagsasabi pang sa wakas ay maari na umanong hayagang pag-usapan ang balitang ito dahil na rin sa pag-amin ni Albie.


Matatandaan na unang ipinakilala ni Albie Casino ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Michelina noong May 2023.


Ang pagsasapubliko ni Albie Casino sa kanilang relasyon ay kasabay ng kanyang ika-30 kaarawan at unang taon nila bilang magkasintahan noong May 14, 2023.


Nagpahayag rin ng pagbati ang ilang mga tagahanga ng aktor at sinabing sa wakas ay naging totohanan na ang pagiging ama ni Albie Casino matapos ang muntik na pagkakabudol noon sa anak ni Andi Eigenmann at Jake Ejercito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo