Ang Nangyari Kay Dina Donnevie | Nirevive Sa Ospital Matapos Mawalan Ng Malay

Miyerkules, Hunyo 5, 2024

/ by Lovely


 Inalala ng seasoned actress na si Dina Bonnevie sa isang vlog ng kapwa niya veteran star na si Amy Austria ang nangyari sa kanya noon sa hospital kung saan namatay siya sa loob ng mahigit isang minute.


Binalikan ni Dina Bonnevie ang kanyang near death experience kung saan humiwalay umano ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at napunta sa hindi niya alam na lugar.


Ang pangyayaring ito ay naganap noong 23 years old pa lamang siya noong mga panahong kinakaharap niya ang mga pagsubok mula sa kanyang trabaho, sa kanyang kalusugan at sa kanyang marriage noon kay Vic Sotto.


Ayon kay Dina Bonnevie, na-clinically dead siya sa loob ng isang minuto at sampung Segundo. Ang dahilan nito ay 

overfatigue dahil sa mga panahong iyon ay marami siyang ginagawang pelikula, nang sabay-sabay. Nag-dubbing rin siya habang pino-promote ang kanilang pelikula.


Pagbabahagi ni Dina Bonnevie, na bago siya maisugod sa hospital ay nagperform siya kasama si Alma Moreno sa programa nitong Lovely Ness para i-promote ang kanyang pelikula.


Matapos ng kanilang performance, halos ay bumagsak na siya kaya naman tumakbo na siya sa kotse at pagdating niya sa bahay ay kaagad niyang sinabihan ang kanyang anak na si Danica na tawagan ang ninang nitong doctor.


Nang nasa banyo na umano siya para maglinis ng kanyang mukha bigla na lamang siyang bumagsak.


Naitakbo naman kaagad siya sa hospital subalit, mula nang bumagsak siya ay wala na umano siyang nakikita.


Pagdating niya sa hospital ay narinig pa umano niya ng mga sinabi ng doctor para siya mailigtas. Subalit, makalipas ng ilang sandali, ay wala na siyang narinig.


Bigla na lamang umano siyang nakatayo at nakita ang kanyang kapatid na nakatingin sa EKG Monitor. Kinausap umano niya ito at niyaya na umuwi na pero hindi ito nakikinig sa kanya.


Hinawakan niya umano ito subalit, tumagos lamang ang kanyang mga kamay. Umiiyak na umano ito at nakatingin lamang sa monitor.


Nang tingnan niya ng hinigaang bed ay nakita niya ang kanyang sarili. Hanggang sa bigla na lamang siyang hinigop at wala nang ibang nakita at naramdaman kundi pure peace at calmness.


May narinig din umano siyang boses na nagtatanong sa kanya kung handa na ba siyang sumama sa liwanag. Pumayag naman siya subalit ay naalala niya ng kanyang anak na si Danica kaya humingi siya ng kunting oras dahil nais niyang makausap muna ang kanyang anak.


Narinig umano niya ang pagtawag sa kanya ni Danica at nakita niya ito sa dulo ng tunnel na inaabot sa kanya ang kamay. Nang tinanggap niya ng kamay ni Danica ay doon na siya nagkamalay.


Nakita niyang dinidi-fibrillator na siya at shinashock para magising.


Agad niyang hinanap ang kanyang anak na si Danica subalit sinabi sa kanya ng kanyang kapatid na naroon sa bahay ang kanyang anak.


Unang ibinahagi niya ang nangyari sa kanya sa kanyang kapatid subalit hindi ito naniniwala sa kanya.


Kaya naman mula noon ay hindi na niya sinabi kanino man ang kanyang kakaibang karanasan dahil ayaw niyang masabihan na siraulo dahil talagang hindi kapani-paniwala ang kanyang kwento.


Mas kinilabutan umano si Dina nang makita niya sa bookstore ang librong “Embraced by the Light” dahil parehong-pareho ang kuwentong nasa libro sa kanyang naging karanasan.


Mula noon ay hinanap na niya ang religion na para sa kanya, sinubukan niyang aralin ang Buddhism, Taoism, Hinduism, Quran, at New Age hanggang sa maging isa na siyang Christian.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo