Arnold Clavio Inatake Ng Hemorrhagic Stroke, Isinugod at Naka-Confine Ngayon Sa St. Luke's Hospital!

Biyernes, Hunyo 14, 2024

/ by Lovely


 Ibinunyag ng beteranong broadcaster na si Arnold Clavio na dumanas siya ng hemorrhagic stroke, isang kondisyon kung saan 1 lamang sa 4 na tao ang nabubuhay.


Sa kanyang post, ibinunyag ni Arnold Clavio na noong June 11, 2024, pauwi na siya nang makaramdam ng pamamanhid sa kanyang katawan, ngunit sa kabila ng kanyang kondisyon, sinubukan pa rin niyang magmaneho mismo sa ospital.


“Sabi ko, titigil ako sa unang ospital na makikita ko. Kaya mula Antipolo, maingat ako na nag-drive sa Sumulong highway hanggang makarating ako sa Emergency Room ng Fatima University Medical Center,” saad ni Arnold Clavio.


Kaagad naman umano siyang inasikaso sa Fatima University Medical Hospital kung saan napag-alaman ang mataas ng blood pressure. Kaagad naman umanong inirekomenda ng mga doktor sa kanya na sumailalim sa hospital kung saan napag-alaman na mayroong slight bleeding sa kaliwang bahagi ng kanyang utak.


“Doon inasikaso ako at after ilang test, lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220/120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270 . Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak. At sa oras na yon , ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE’!” 


Dahil sa kanyang kondisyon ay kaagad siyang inilipat sa St. Luke's Medical para mas maobserbahan ng mas mabuti.


Iginiit ni Arnold Clavio na mas maiging pakinggan ng mabuti ang katawan at palaging mag-ingat dahil isa sa mga traydor na sakit ang hypertension.


“ARAL: Feeling ok does not mean your ok … Feeling good does not mean we’re good .. Listen to your body .. Traydor ang hypertension ! Always check your BP,” pahayag ni Arnold Clavio.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe mula sa mga kaibigan at mga tagahanga ng batikang news broadcaster.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo