Axel Cruz Binanatan Si Vice Ganda Dahil Sa Pagbawi Ng Apology

Miyerkules, Hunyo 5, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang Expecially For You searchee na si Axel sa pagbawi ni Vice Ganda sa kanyang apology matapos ang pag-amin umano sa kanila ni Christine na totoong nakaramdam siya ng pagka-off dahil sa inakalang pagnanakaw niya ng halik.


Ikinagulat ng maraming mga netizens at maging ng mga madlang pipol ang pagbawi ni Vice Ganda sa kanyang inilabas na public apology para kay Axel sa pamamagitan ng isang tweet noong June 2, 2024.


Matatandaan na humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Axel dahil napagsalitaan niya ito dahil sa nakita niyang tila bigla na lamang sinunggaban nito ng halik ang kanilang guest at searcher na si Christine.


Nauna rito ang paglabas ng pahayag si Axel at iginiit na wala naman sa plano niya na halikan si Christine dahil nakipag-high five lamang umano siya rito at nakipag-bro code. Ang tanging intensyon lamang umano niya kaya hinala niya ang kamay ng babae ay nais niyang pagdikitin ang kanilang mga balikat.


Sa kabila nito, inamin naman ni Axel na talagang may pagkakamali rin siya dahil hindi niya ipinarating kay Christine ang nais niyang gawin. Subalit, pinagdidiinan niya na wala sa kanyang intensyon na mambastos ng babae.


Naglabas rin ng video si Christine kung saan ipinagtanggol niya si Axel sa mga taong nambabatikos rito matapos ang insidente sa It's Showtime. Marami kasi ang mga nanghuhusga kay Axel at kung ano-ano na lamang ang tinatawag rito lalo na ang mga tagahanga ni Vice Ganda.


Kaagad rin namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda dahil napag-isipan niya ng masama si Axel sa nangyari dahilan para ito naman ang batikosin ng mga netizens dahil sa pag-iisip ng masama kay Axel gayung wala naman pala itong intensyon na bastusin si Christine.


Samantala, labis namang nagulat ang marami nang bawiin ni Vice Ganda ang kanyang naging tweet at nanindigan itong walang masama sa kanyang ginawa kay Axel dahil ginawa lamang niya ang kanyang responsibilidad. Isa pa, nagkausap na rin umano sila ni Christine kung saan inamin nito ang totoong naramdaman ng biglang lumapit sa kanya si Axel.


Inamin umano ni Christine na talagang na-off ito sa ginawa ni Axel subalit, pinili nitong magsinungaling sa publiko noong una dahil sa isang mabigat na dahilan na hindi na isiniwalat ni Vice Ganda.


Maging ang ilang mga It's Showtime host ay nagbigay rin ng pahayag kung saan makikita umano sa kanilang anggulo na talagang iba ang intensyon ni Axel.


Sa kabilang banda, nagbigay na rin umano ng pahayag si Axel kung saan sinabi niyang napaka-unfair ni Vice Ganda dahil nagalit ito sa kanyang gayung man hug lang naman ang balak niyang gawin nila ni Christine subalit sa ibang searche na bumeso sa searcher ay ok lamang ang mga ito at nagpakita pa ng kilig.


Tinitingnan ngayon ni Axel na dahilan kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nina Vice Ganda dahil hindi naman siya kapogian katulad ng mga naunang searchee.


Nagtataka rin umano ito kung bakit bigla na lamang na binawi ni Christine ang naging pahayag sa video at kumampi na rin ito kay Vice Ganda.


Samantala, may ilang mga netizens ang naghinala na baka ay nasulsulan na umano ni Vice Ganda si Christine kaya bigla na lamang nitong sinabing nabastusan siya sa ginawa ni Axel.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo