Bea Alonzo, Isiniwalat Na Si Dominic Roque Ang Nakipaghiwalay Sa Kanya

Biyernes, Hunyo 14, 2024

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Bea Alonzo patungkol sa naging paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque. Isiniwalat na ng aktres kung sino ang unang nang-iwan sa kanilang dalawa.


Itinanggi na ng aktres na si Bea Alonzo ang mga tsismis na siya umano ang nagsimula ng breakup sa past relationship nila ni Dominic Roque.



Sa isang panayam ng GMA News, itinama ni Bea Alonzo ang mga maling balita at mga haka tungkol sa kanyang nakaraan at nilinaw na nag-alok si Dominic na wakasan ang kanilang relasyon.


Bagama't sinabi ni Bea Alonzo na si Dominic Roque ang nag-initiate ng kanilang break-up ay tumanggi na rin siyang magsalita nang higit pa tungkol sa kanilang nakaraang relasyon, sa paniniwalang ito ay kawalang-galang na ito sa aktor-model.


“That’s false. Hindi ako ang nakipag-break.  Pero huwag na nating pagusapan yun. Let’s leave it in the past. It’s amicable. Okay naman kami,” pahayag ni Bea Alonzo.


“It would be disrespectful to the relationship and the other person to talk about it. It’s a very sensitive topic and gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” dagdag pa nito.


Matatandaan na ginulat nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang mga tagahanga nang mapabalita ang kanilang paghihiwalay sa gitna ng mga usapin ng paghahanda na nila sa kanilang kasal.


Marami sa mga showbiz columnist at news reporter ang nagbigay ng kani-kanilang mga hinala kung bakit naghiwalay sila ay wala pa ring naging malinaw sa mga ito.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin isinisiwalat nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang rason ng kanilang paghihiwalay na tila ba pareho na nilang gusto na ibaon na lamang ang lahat sa limot.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo