Carlo Aquino, Ipinaramdam Kay Trina Candaza Na Hindi Ito Sapat Kaya Naghanap Siya Ng Iba

Biyernes, Hunyo 14, 2024

/ by Lovely


 Muling naglabas ng detalye ang aktres na si Trina Candaza patungkol sa naging relasyon nila noon ng aktor na si Carlo Aquino at ang patungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media ang ikinuwento ni Trina Candaza ang katotohanan sa  paghihiwalay nila ni Carlo Aquino sa panayam kay Ogie Diaz.


Ayon sa kanya, hindi niya maitago ang kanyang emosyon sa tuwing hinahanap ng kanyang anak na si Mithi ang ama nitong si Carlo Aquino sa kanya.


Pagbabahagi ni Trina Candaza, na may pagkakataon na nagcheck in sila ni Mithi sa hotel kung saan may nakitang mag-ama ang kanyang anak dito na hinahanap ng bata ang sarili ama sa kanya.


Inamin ni Trina Candaza na nakaramdam siya ng lungkot dahil alam na alam niyang kailanman ay hindi na mabubuo pa ang kanilang pamilya.


“One time nag check in kami sa isang hotel, tapos may nakita siyang bata at lalaki.. sabi niya ‘Daddy’. Syempre may kirot.. hindi buo yung family ng anak ko,” pagbabahagi ni Trina.


Inilahad rin ni Trina na maayos naman sila noon, masaya at mahal nila ang isa't-isa subalit talagang nag-iiba umano ang anak kapag nagkaroon na ng anak at doon na makikilala ang isa't-isa.


“Okay naman kami noon, masaya kami, in-love naman kami. Pero mas iba pala siya pag nagkaroon na kayo ng anak. Mas kikilalanin niyo pa yung isa’t isa” pagpapahayag pa nito.


Inilahad din ni Trina Candaza na sinubukan niyang maayos ang pagsasama nila ni Carlo Aquino, alang-alang sa kanilang anak na si Mithi subalit umabot na rin umano siya sa puntong hindi na niya kaya ang mga ginagawa ni Carlo Aquino sa kanya.


“Of course po Mama Ogs, kasi gusto kong mag-work, eh. So kailangan kong i-address yung issue namin. Gusto kong i-work out yung relationship namin. I tried naman eh pero hindi ko na kaya,” pag-amin ni Trina.


Isiniwalat pa ni Trina na nakapendi lamang umano sa desisyon niya si Carlo Aquino kung kaya ba niya ang mga ginagawa nito at kung hindi na ay maari naman umano siyang umalis.


Nung una ay sinubukan umano ni Trina na tanggapin ang lahat at iniisip na kaya nagagawa ni Carlo sa kanyang ang mga bagay ay dahil sa hindi siya sapat at hindi siya perfect. Pero, dumating rin siya sa kanyang limitasyon at nagkusa nang umalis sa buhay ng aktor.


“Nasa sa akin na lang to kung gusto kong ituloy tong pagkabuo ng pamilya namin o hindi. Dedepende siya kung kaya kong tanggapin na lang na ganu’n. I tried.. I tried na tanggapin na lang na ganun na baka hindi ako enough, kaya ganun. Kasi hindi naman ako perfect. Kaso hindi ko kaya eh, kaya nagdecide ako na umalis.” 


Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Trina Candaza sa lahat ng mga babae na itigil na lamang ang pag-aayos sa isang relasyon kung hindi na sila masaya at kung may pinupuntahan na umanong ibang babae ang karelasyon ay huwag nang umasa pa na magbabago ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo