Talagang kumain ng alikabok sa takilya ang pelikulang pinagbibidahan ng Kapuso actor-director na si Xian Lim na pinamagatang Playtime na under ng GMA Pictures at Viva Film.
Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang tuluyan nang tinanggal sa sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ni Xian Lim, ilang araw matapos itong ipalabas dahil wala na talagang nanonood.
Nasasayang lamang umano ang oras na ibinibigay sa pelikula kaya naman pinalitan na ito ng pelikula ng ibang bansa na pinamagatang Inside Out 2 na blockbuster world wide.
Naging certified flop movie ang Playtime nina Xian Lim at ilang sinehan na rin ang nagpull out sa mga sinehan dahil ilang araw nang walang nanonood at nalulugi lamang sila sa pagpapalabas nito.
Kaagad namang pinalitan ng mga sinehan sa pelikulang Inside Out 2 ang dating oras ng Playtime na sa kabila ng mga naglabasang online leaks ay hindi hamak na mas marami pa rin ang nanonood kaysa sa pelikulkang Playtime.
Bukod kay Xian Lim, pinagbibidahan ang pelikula nina Sanya Lopez, Coleen Garcia at Faye Lorenzo.
Nauna nang naging laman ng mga usap-usapan ang pagiging flop ng pelikula ni Xian Lim nang makita sa mall show na mas marami ang mga bakanteng monoblock chairs kaysa sa mga taong nanonood.
May mga nakita pang, tila mga naki-upo lamang sa monoblock chair para makapagpahinga subalit, wala namang interes sa mga pagkanta-kanta ni Xian Lim sa harap.
Hindi rin naiwasan ng ilang mga netizens na pagkakumparahin ang mall show ni Xian Lim sa mga nagdaang mall shows ni Kim Chiu.
Ayon sa ilang mga netizens, na sa kabila ng pananahimik ni Kim Chiu sa naging isyu nila ni Xian Lim ay ito pa rin ang binibigyan ng simpatya ng maraming tao.
Matatandaan na sa ilang mga interviews ni Xian Lim ay pilit niyang ipinapalabas na si Kim Chiu talaga ang dapat na batikusin sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa.
Gayunpaman, hindi pa rin ito lumusot sa maraming mga fans ni Kim Chiu dahilan para mas lalo ang nagboycott sa pelikula ni Xian Lim.
May mga nagsasabi pa na talagang hindi natuto ang GMA sa flop na teleserye ni Xian Lim at talagang gumawa pa ng pelikula na ang pagiging flop rin ang kinahinatnan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!