Daniel Padilla May Bago Ng Nililigawan Na Sobrang Yaman, Mas Maganda Kay Kathryn Bernardo

Martes, Hunyo 18, 2024

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga bali-balita patungkol sa pagkakaroon ng bagong nililigawan ng aktor na si Daniel Padilla.


Ayon sa mga lumalabas na balita, ang bagong babae ni Daniel Padilla ay nakatira sa Batangas. Mas mayaman at mas maganda rin umano ito kaysa sa ex-girlfriend ng aktor na si Kathryn Bernardo.


Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pananahimik ng aktor na si Daniel Padilla sa mga usapin patungkol sa kanyang lovelife.


Hindi rin nagbibigay ng anumang pahayag ang aktor hinggil sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo matapos ang mahigit isang dekada nilang relasyon.


Sa ngayon ay makikitang inaabala ni Daniel Padilla ang kanyang sarili sa kanyang mga negosyo at sa kanyang trabaho sa industriya ng showbiz.


Gayunpaman, hindi pa rin naiiwasan na mapasama sa mga intriga ang pangalan ng aktor, lalo pa't patuloy pa ring pinagtatalunan ng ilang mga netizens kung sino ang totoong nag-initiate ng kanilang hiwalayan ni Kathryn Bernardo.


Ikinagulat ng ilang mga netizens ang mga isiniwalat ng kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz patunkol sa pagkakaroon ng bagong nililigawan ni Daniel Padilla.


Ayon kay Ogie Diaz, nakarating sa kanya ang isang unconfirmed na balita mula sa kanyang pinagkakatiwalaang source na mayroon nang bagong nililigawan ngayon ang aktor na si Daniel Padilla.


Inilahad rin ni Ogie Diaz na wala naman umanong masama kung mayroon nang nililigawan ngayon si Daniel Padilla dahil hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.


Ipinunto rin ni Ogie Diaz, na single naman ngayon ang aktor at mayroon na ring stable na pinagkukunan ng income kaya deserve rin umano nito na magkaroon ng girlfriend.


Wala rin naman umanong masama kung sakaling, mayaman ang babaeng natitipuhan ngayon ni Daniel Padilla dahil may pera rin naman ang aktor, mula sa kanyang mga negosyo at kinikita bilang isang celebrity.


Sa ngayon ay hindi pa isiniwalat ni Ogie Diaz ang pagkakakilanlan ng babaeng kinahuhumalingan ngayon ni Daniel Padilla.


Samantala, nagbigay naman ng komento ang ilang mga tagahanga ng aktor kung saan inilahad nila na patas lamang kung sakaling magkaroon na ng bagong girlfriend si Daniel Padilla dahil mayroon  na rin namang bagong manliligaw si Kathryn Bernardo.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo