Exclusive! Vic Sotto Nagsalita Na Sa Biglaang Pag Layas Sa GMA7

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga news sites ang balitang umalis na sa pamunuan ng GMA Network ang kilalang komedyante na si Bossing Vic Sotto.


Bagama't ayaw nang magbigay ng pahayag ni Vic Sotto patungkol sa nasabing isyu subalit tuluyan nang kinumpirma ni Pauleen Luna na hindi na eere sa GMA7 ang sit com na Open 24/7 na pinangungunahan ng kanyang mister na si Vic Sotto.


Ang sit com ni Vic Sotto ay mapapanood sa telebisyon sa tuwing sabado pagkatapos ng Magpakailanman. Ang nasabing sit com ay hindi na napanood noong sabado na labis na ikinalito ng mga tagasubaybay nito, pagkatapos ng Magpakailanman ang ipinalabas ay Daig Kayo ng Lola Ko.


Isa sa ikinalito ng maraming mga netizens ay ang pananahimik ng GMA7 sa usaping ito, hindi man lamang sila naglabas ng pahayag patungkol sa agarang pagtatapos sa show ni Vic Sotto.


Maging ang aktor ay nanahimik na rin patungkol sa isyung ito at tumanggi nang magbigay ng kung anong pahayag.


Samantala, marami naman ang nagsasabing hindi na nakakagulat ang pag-alis ni Bossing Vic Sotto sa GMA7 matapos ang mainit na isyu sa agawan ng titulo ng Eat Bulaga noon sa pagitan ng TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon at ng production company na TAPE Inc. nadamay rin noon ang GMA sa isyu ng dalawang kampo dahil pinanigan umano ng GMA ang TAPE Inc.


Sa kabilang banda, may nabanggit din si Pauleen Luna na sit com na gagawin ni Bossing Vic Sotto sa TV5 subalit hindi pa umano ito napa-finalize sa ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo