Isabelle Daza Spotted Na Nagta-Trabaho Bilang Isang Flight Attendant

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Nag-viral sa social media ang dating Eat Bulaga host na si Isabelle Daza matapos siyang makita ng ilang mga netizens na nagtatrabaho siya bilang flight attendant sa Cebu Pacific.


Kumakalat ngayon ang ilang mga post sa social media ang nagpakita kay Isabelle na nakasuot ng uniporme ng flight attendant at aktibong tumutulong sa mga pasahero sa buong flight.


Isa sa mga nag-upload ng video ay si San Dy, na nagsasabi na ang flight kung saan nagtatrabahi si Isabelle Daza ay mula Davao patungong Maynila noong May 20, 2024.


Hindi napigilan ng mga netizens na magtanong kung ito na ang naging trabaho ni Isabelle Daza mula nang umalis siya sa Eat Bulaga at isa sa mga nagpahayag ng kalungkutan matapos ang pag-alis ng longest-running noontime show sa GMA Network at TAPE Inc.


Pinuri rin ng mga netizens ang hitsura ngayon ni Isabelle Daza, sinabing fit siya para maging flight attendant dahil sa kanyang kagandahan at mahusay na communication skills.



Matatandaang tatlong taon ding naging host ng Eat Bulaga si Isabelle Daza.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang ilang mga netizens na si Isabelle Daza ay maaaring nagtatrabaho lamang sa Cebu Pacific para sa isang promotion o kaya naman isa lamang itong campaign.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Isabelle Daza kung isa na nga ba siyang full-time employee ng Cebu Pacific o kung nakikipagpartner na sila sa Cebu Pacific.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo