Iwa Moto Nagreact Nang Inanunsyo Ni Jodi Sta. Maria Na Annulled Na Sila Ni Pampi Lacson

Miyerkules, Hunyo 12, 2024

/ by Lovely


 Nag-react si Iwa Motto, kasalukuyang partner ni Pampi Lacson, sa ibinahaging post na aktres na si Jodi Sta. Maria kung saan masaya niyang ibinahagi ang pagkaka-annulled ng kanilang kasal ng dating asawa na si Pampi Lacson.


Ipinahayag ni Iwa Motto na masaya siya para kay Jodi Sta. Maria ngayong granted na ng korte ang annulment ng kasal nito sa kasalukuyan niyang partner na si Pampi Lacson.


Sa kabila ng kanilang sitwasyon, naging matalik na magkaibigan sina Jodi Sta. Maria at Iwa Motto, maayos na rin naman ang relasyon sa pagitan nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson.


Matatandaan na noong Linggo, June 9, 2024 kaagad na ibinahagi ni Jodi Sta. Maria sa kanyang mga Instagram followers na nagtapos na ang 13 years na paghihintay niya para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Pampi.


Sa kanyang post, binalikan muli ng aktres ang hirap na kanyang pinagdaanan sa loob ng 13 years na nagdaan upang mapasapinal ang annulment nila ng dating asawa.


"Finally after 13 years of waiting, my petition for nullity of marriage has been granted by the Supreme Court," saad ni Jodi Sta. Maria.


"It was indeed a test of faith and trust -- FAITH in God’s promises and TRUST in God’s timing," dagdag pa niya.


Ibinahagi pa ni Jodi Sta. Maria ang kanyang naramdaman noon habang hindi pa sigurado kung maaprubahan ng korte ang kanilang annulment case.


"The time I spent in His waiting room was never easy nor was it comfortable. It was frustrating, discouraging, and even heartbreaking. I cried, prayed, questioned and complained. I made “tampo,” asked for forgiveness, prayed some more. I wanted to give up but He never let go of me.


"Looking back it was His grace that sustained and carried me. He had a purpose for the waiting. And that was made clear to me by the Lord.


"I know some of you might be in His waiting room. May I encourage you with this? “When the time is right, I, the Lord, will make it happen.” - Isaiah 60:22


"God is never in a hurry. He is never too late. Never too early. Believe He is able to do something about your situation. Trust He has a plan for you and that plan is even better than the one you have for yourself.


"And when God finally calls you out of the waiting room, don’t forget to thank Him and give Him all the glory."


Samantala, kaagad namang nagkomento rito si Iwa Motto kung saan inihayag nito na kailangan nilang i-celebrate ang nangyari, Na tinugunan rin ni Jodi Sta, Maria na hihintayin niya ang pagbabalik ng dalawa.


Maging ang iba pang mga celebrities ay nagbigay rin ng congratulatory message para kay Jodi Sta. Maria na sa wakas ay nakalaya na sa kasal nila ni Pampi matapos ang mahabang panahon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo