Janella Salvador Pinatakam Lang Ang Mga Fans Na Umaasa Sa GL nila ni Jane De Leon

Martes, Hunyo 25, 2024

/ by Lovely


 Nagpahiwatig ang aktres na si Janella Salvador na may posibilidad na magkaroon sila ng ‘Girls Love’ o GL drama kasama ang kanyang dating Darna co-star na si Jane de Leon.


Matatandaang muling na-highlight ang kanilang chemistry matapos silang mai-feature sa music video ng “Hey You.”


Ayon kay Janella Salvador, ang music video ng kanyang single ay regalo niya sa LGBTQIA community na nagpu-push sa JaneNella tandem o ang tambalan nila ni Jane De Leon.


“Hey You” video, they give their fans who waited for two years a sweet love story — one that traces the start of a relationship from their school days and showcases scenes of sapphic yearning, the highs and lows of being girlfriends. It ends in a scene of normalcy and domesticity — a couple resting together at night, their lips meeting in an almost-kiss. The video concludes with the message: “Love is love, regardless of who it finds,” pagbibigay paliwanag ni Janella Salvador sa kanyang bagong single.



Nilinaw din naman ni Janella Salvador na hindi sila nagpakita ng anumang direktang kissing scene sa pelikula dahil sa ilang kadahilanan.


Gayunpaman, kung sakaling mabibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng GL project, maaaring makita ng mga tagahanga kung ano talaga ang gusto nila, kabilang na ang kanilang kissing scenes.


“Alam kong maraming naiinis na hindi natuloy ‘yung kiss sa video. Pero there’s a reason behind that,” pahayag ni Janella Salvador.

“Bigyan niyo muna kami ng GL, para mag-kiss kami. I hope this opens doors for us,” dagdag pa niya.


Matatandaan na noong 2015 ay pinaghinalaan na si Janella na naattract sa mga babae matapos itong humarap sa kontrobersya dahil sa umano'y espesyal na relasyon niya sa isang babaeng staff ng ABS-CBN.


Gayunman, itinanggi ni Janella na may relasyon siya sa nasabing staff.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo