Just in! KC Concepcion Hiwalay Na Sa Kanyang Fiance Na Filipino-Swiss Na Si Mike Wuethrich!

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang hiwalay na ang aktres na si KC Concepcion sa kanyang Filipino-Swiss boyfriend na si Mike Wuethrich.


Nag-ugat ang usaping ito ng mapansin ng maraming mga netizens na hindi na naka-follow sina KC Concepcion at Mike Wuethrich sa isa't-isa sa kanilang Instagram account.


Nito lamang nagdaang byernes May 31, 2024 napansin ng isang netizen na hindi na makikita sa mga following list nina KC at Mike sa Instagram account ang isa't-isa.


May mga nakapansin rin na burado na sa Instagram account ni Mike ang ilang mga larawan nilang pinagsamahan ni KC Concepcion.


Matatandaan na unang lumabas ang mga bulong-bulungan na naghiwalay na sina KC Concepcion at Mike Wuethrich noong April nang mapansin na hindi na sila nagbabahagi ng mga bagong larawan na magkasama sa social media.


Nasundan pa ito ng mapansin ng marami na hindi dumalo sa naganap na birthday party ni KC Concepcion ang kanyang boyfriend noong April 7, 2024.


Subalit, tila pinabulaanan naman ni KC Concepcion ang mga haka-hakang ito nang nagbahagi siya sa kanyang Instagram ng isang video kung saan may hawak siyang bulaklak na ipinabibigay sa kanya ni Mike kahit wala ito sa Pilipinas.


Bukod pa rito, binati rin ni KC Concepcion si Mike noong nakaraang birthday nito noong April 23, 2024 kalakip ang isang napakasweet na mensahe.


Samantala, noong May 18, muling nabuksan ang agam-agam ng mga netizens na nagkahiwalay na sina Mike at KC nang magbahagi ang aktres ng isang larawan na may caption na, 'moving on'.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo