Kim Chiu Binan-taan Si Xian Lim Dahil Sa Mga Pa-Interview Nito

Miyerkules, Hunyo 12, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens sa social media ang ibinuking umano ng aktres na si Kim Chiu patungkol sa nangyaring hiwalayan nila nila ng Kapuso actor na si Xian Lim.


Ang ikinagulat pa ng maraming mga netizens ay ang naging pahayag ni Kim Chiu na kung sakaling ilalabas niya sa publiko ang kanyang side ay baka wala nang manood ng pelikula ni Xian Lim at tuluyang masira ang showbiz career nito.


Matatandaan na naging lamang mga balita ang patungkol sa naging pahayag ni Kim Chiu sa isang panayam sa labas ng airport noong papunta sila ni Paulo Avelino sa Dubai.


Dahil nasa labas ang interview ay maraming mga netizens ang nanonood at kumukuha rin ng video. Bago pa man mag-umpisa ang panayam ni MJ Felipe sa aktres ay may kumukuha na ng video kay Kim Chiu.


Naitanong sa actress-host ang kanyang reaksyon sa mga pagsisisiwalat ni Xian Lim ng mga detalye sa kanilang paghihiwalay sa mga naging panayam nito sa iba't-ibang mga programa.


Panay rin ang tila pagpaparinig ni Xian Lim patungkol sa nangyari na tila pinoprovoke niya si Kim Chiu na magbigay ng pahayag.


Samantala, may kumakalat ngayon na video na may malabong audio na kung pakikinggang mabuti ay maririnig ang pahayag ni Kim Chiu na, kung may sasasabihin umano siya tiyak na mawawalan ng manonood ang movie niya.


Bagama't walang binanggit na pangalan ang aktres marami ang naghinalang si Xian Lim ang tinutukoy nito dahil ito lang naman ang kanilang naging topic at mayroon ding pelikula ang aktor na kakapalabas pa lamang sa mga sinehan.


Kung sakali mang totohanin ni Kim Chiu ang kanyang banta, natitiyak na maaapektuhan ng malaki ang career ni Xian Lim.


Sa ngayon pa nga lang ay tila nahihirapan na ito nang hindi pa nagsasalita si Kim Chiu ano pa kaya ang mangyayari kung si Kim Chiu naman ang kakanta kung ano ang kanyang side sa kwento.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo