Magkasintahang Xian Lim at Iris Lee, Makikita Ang Karma Sa Pelikulang Kuman Thong

Martes, Hunyo 25, 2024

/ by Lovely

Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang haka-hakang kinakarma sina Xian Lim at Iris Lee sa mga naging flop nitong projects dahil sa kanilang panloloko kay Kim Chiu.


Kamakailan lamang ay inilahad ni Cindy Miranda ang ilang mga detalye sa relasyon nina Iris Lee at Xian Lim.


Ibinunyag ng dating beauty queen na si Cindy Miranda na katulad ng ibang normal na magkarelasyon, minsan ay hindi rin nagkakasundo sina Iris Lee at Xian Lim pagdating sa kanilang trabaho.


Sa hindi pa nakakaalam, si Cindy Miranda ang gumaganap sa bidang karakter sa bagong horror film ng Viva Films at Studio Viva na Kuman Thong kung saan makakasama niya ang child star na si Althea Ruedas na dini-derek ni Xian Lim.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens, na magkatulong sina Xian Lim at ang kanyang girlfriend na si Iris Lee na isang film producer na si Iris Lee sa pagbuo ng pelikula.


Sa kamakailang presscon ng pelikulang Kuman Thong, naitanong kay Cindy Miranda kung kumusta si Xian Lim bilang direktor ng pelikula lalo na't ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama sila sa iisang proyekto.


Ayon kay Cindy Miranda, napakabuting tao ni Xian Lim at makikita talagang gusto nito ang trabaho bilang director. Magaling rin umano itong direktor at very passionate sa kanyang craft.


Ipinagtanggol rin ito ng aktres laban sa mga nagpapakalat ng isyung mahirap itong katrabaho at may attitude dahil ayon kay Cindy Miranda ay hindi niya nakita kay Xian Lim ang mga ibinabatong isyu rito.


Wala umano siyang bad side na nakikita kay Xian Lim kundi puro good side lamang dahil tamang-tama ang pag-aalaga nito sa kanila sa set.


Sa katunayan ay nanatiling cool pa rin umano si Xian Lim kahit pa may mga pagbabago sa script sa kagustuhan ni Iris Lee. Isiniwalat rin ni Cindy Miranda na minsan ay nagtatalo sina Xian Lim at Iris Lee subalit hindi nila tinitingnan na negatibo ito dahil maganda iyong mas maraming ideas na mapagpipiliian.


Ipinunto rin nito na healthy naman ang pag-aaway ng dalawa at nagpapakita lamang ito na parehong mga professional sa kanilang trabaho ang dalawa.


Samantala, marami  naman sa mga netizens ang humihiling na sana ay hindi matulad sa flop film na pinagbibidahan ni Xian Lim ang pelikulang dini-direct nito sa ngayon.


Kung sakaling maging ang pelikulang ito ay mag-flop rin masasabi na talagang kinakarma ang dalawa o kaya naman ay mas malakas pa rin ang powers ni Kim Chiu sa mga manonood.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo