Maris Racal Pinagkamalan Si BINI Gwen Sa Pride PH, Magkamukha Daw?

Martes, Hunyo 25, 2024

/ by Lovely


 Maris Racal napagkamalan ng ilang mga netizens na si BINI Gwen habang sumasabak siya sa Pride PH Event sa Quezon City.


Viral at mainit na pinag-uusapan sa social media ang ibinahaging video ni Maris Racal sa kanyang Twitter account habang sumasabak siya sa Pride PH event kamakailan lamang na ginanap sa Quezon City.


Makikita sa ibinahaging video ni Maris Racal ang kanyang paglalakad kasama ang ibang nakilahok na kabilang sa activities ng Pride PH event. Makikitang naka-facemask si Maris Racal at nakasuot rin ng shades, nakapayong rin ang aktres dahil umuulan sa araw na iyon.


Dahil hindi talaga makikita ang mukha ni Maris Racal dahil sa suot niyang facemask at shades, napagkamalan tuloy siyang si BINI Gwen ng mga fans sa kanyang likuran.


Ayon naman sa ilang mga netizens na normal lamang na mapagkamalang si BINI Gwen si Maris Racal dahil may pagkakatulad ang kanilang hubog ng pangangatawan at magkapareho pa sila ng hairstyle.


Tila hindi naman na-offend si Maris Racal na napagkamalan siyang ibang personalidad, kung pagbabasehan ang pagbabahagi niya ng video. Tila proud pa umano ang aktres na mapagkamalan siyang myembro ng BINI.


Tuwang-tuwa naman at nasisiyahan din ang mga fans ni Maris Racal at BINI Gwen sa viral video, may mga nagsasabi pa na buti na lamang ay hindi napasayaw ng Lagi si Maris Racal nan tawagin siya bilang si BINI Gwen.


May mga fans naman na sinakyan ang trend at tinatawag na ring BINI Gwen si Maris Racal.


Isa ang aktres na si Maris Racal sa mga celebrities na dumalo sa Pride PH event na naganap sa Quezon, City nitong weekends. Sa mga ibinahaging photos ni Maris Racal mula sa event, ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal sa community at pinaanyayahan rin niya ang mga ito na suportahan ang kanyang panibagong pelikula.


Naroon rin naman ang lahat ng BINI sa nasabing event subalit hindi na sila nakapag-perform dahil sa lakas ng ulan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo