Mother Ni Yen Santos, Itinangging Nagkarelasyon Ang Anak at Si Paolo Contis

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang ina ni Yen Santos tungkol sa napapabalitang relasyon ng kanyang anak at ng kontrobersyal na aktor na si Paolo Contis.


Sa online program ni Jobert Sucaldito, hinarap ni Gng. Yan Santos, ina ni Yen Santos ang publiko at nilinaw niya ang totoong relasyon ng kanyang anak sa kontrobersyal actor na si Paolo Contis.


Itinanggi ni Yan Santos ang pagkakaroon nina Yen Santos at Paolo Contis ng relasyon kaya naman paano maghihiwalay ang dalawang wala namang ugnayan sa isa't-isa sa una pa lamang.


Bukod pa rito, nilinaw din ng ina ng aktres na si Yen Santos na walang kinalaman ang kanyang anak na aktres sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Paolo Contis at LJ Reyes.


“Tinawagan ko po si mommy Lilian, si mommy Lilian is the mother of Yen Santos kasi very close sa akin ‘yang batang ‘yan more than 10 years na,” pahayag ni Jobert.


“Sabi ko, ‘mommy may tanong lang ako?’ ‘Ano ‘yun ‘nay?’ Nanay din kasi ang tawag sa akin no’n, eh. Sina Yen ba at si Paolo hiwalay na? Sabi sa akin, ‘nanay naman pati ba naman ikaw naniwala? Never namang naging sila?’” pagkukwento nito.


Ikinalito naman ito ng maraming mga netizens dahil matatandaan na noong 2023 ay hayagang inamin ng aktor na si Paolo Contis ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Yen Santos.


Ipinahayag pa noon ni Paolo Contis kung paano siya nahulog at nainlove kay Yen Santos. Ayon kay Paolo Contis noon, nahulog at minahal niya si Yen Santos dahil ito lamang umano ang nanatili sa kanya sa mga panahong labis siyang nababatikos dahil sa hiwalayan nila noon ni LJ Reyes.


Samantala, marami ang naghinalang naghiwalay na sina Yen Santos at Paolo Contis nang burahin ng aktres ang sweet message niya para kay Paolo Contis noong nakaraang kaarawan nito.


Bukod pa rito in-unfollow na rin ni Yen Santos si Paolo Contis sa Instagram dahilan para isipin ng marami na talagang kumpirmado na ang kanilang paghihiwalay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo