Nanay Ni Sarah, Nagreact, Barbie Imperial Ginagaya Daw Si Sarah Lahbati

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at maging sa ilang mga entertainment news sites ang usap-usapang si Barbie Imperial ang ipinalit ni Richard Gutierrez sa kanyang asawang si Sarah Lahbati matapos ang kanilang paghihiwalay nitong nakaraang taon.


Ilang beses na rin kasing namamamataan ang dalawa na magkasama sa pagbabakasyon at maging sa paggi-gym ay magkasama rin umano ang dalawa.


Bukod sa usaping ito, marami rin ang nakapansin ng tila panggagaya umano ni Barbie Imperial kay Sarah Lahbati na siyang estranged wife ni Sarah Lahbati.


Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang aktres na si Barbie Imperial dahil sa panggagaya nito kay Sarah Lahbati na napapansin na ng maraming mga netizens.


Sa gitna ng kontrobersiyang ito, nagbigay ng reaksyon ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati. 


Hindi pinalampas ng ilang mga netizens ang kanilang mga napapansin ngayon sa aktres na Barbie Imperial matapos maiugnay sa kanyang pangalan ang dating asawa ni Sarah Lahbati na si Richard Gutierrez.


Unang naging laman ng mga usap-usapan ang pagkakaroon ng ugnayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang kumalat sa social media ang mga video na kuha sa isang bar kung saan makikita ang kakaibang closeness ng dalawa.


Nasundan pa ang usaping ito ng mapansin ng maraming mga netizens na tila magkasama sa pagbabakasyon sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noong holy week base sa mga larawan na kanilang binabahagi sa social media.


Kamakailan lamang ay namataan rin ang dalawa na magkasamang nagbabakasyon sa South Korea. May nai-flex ring larawan si Barbie Imperial kung saan makikitang tila sabay silang nag-work out sa isang gym ni Richard Gutierrez.


Samantala, marami ang nakapansin na tila may pagkakatulad umano sina Barbie Imperial at Sarah Lahbati, bukod sa pareho silang maganda ay tila magkakapareho rin sila ng life updates kamakailan.


Tulad na lamang ng pagkakapareho nila ng culinary activities bilang studyante ng CCA Manila. Ibinabahagi ni Barbie Imperial ang kanyang mga pinagkakaabalahan ngayon sa nasabing school sa kanyang social media accounts.


Subalit, nagdulot ito ng kontrobersiya nang balikan ng ilang mga netizens ang dating activities ni Sarah Lahbati noon sa nasabing school na magkakapareho umano sa ginagawa ngayon ni Barbie Imperial.


Bukod sa mga culinary activities, may mga nagsasabi rin na tila maging ang pananamit ni Sarah Lahbati ay ginagaya rin umano ni Barbie Imperial.


Samantala, tila nagpahayag naman ng reaksyon ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati sa mga nagsasabing ginagaya ni Barbie Imperial ang kanyang anak.


Sa isang Instagram post ni Esther Lahbati kung saan ipinakita niya ang mga larawan marami sa mga netizens ang nagkomento patungkol sa panggagaya ni Barbie Imperial kay Sarah Lahbati.


Napatawa na lamang rito si Mommy Esther na tila natatawa siya sa desperadong panggagaya ni Barbie Imperial sa kanyang anak para mabihag nito ang aktor at estranged husband nito na si Richard Gutierrez.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo