Newlyweds Carlo Aquino and Charlie Dizon Kasama Na Si Mithi

Martes, Hunyo 25, 2024

/ by Lovely


 Kumpirmado nang si Inola Mithi, anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza, ang batang babae na buhat-buhat ng aktres na si Charlie Dizon nang magpunta sila ng kanyang mister na si Carlo Aquino sa Binondo kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan.


Noong una ay hindi pa naging malinaw kung si Mithi ba ang batang buhat-buhat ni Charlie Dizon sa ibinahaging Instagram stories ni Carlo Aquino dahil nakatalikod ito at tila natutulog pa ang bata na nakayakap sa aktres. Subalit, ilang araw lamang ang nakakalipas ay muling kumalat sa social media ang mga larawan kung saan nakaharap na sa photos ang bata at makikitang si Mithi nga ito.


Tila ito na ang katuparan sa naging pahayag noon ni Trina Candaza sa isang panayam sa kanyang noon ni Ogie Diaz kung saan isiniwalat niya ang kanyang kondisyon kay Carlo Aquino na ipakilala lamang ang kanilang anak sa babaeng pakakasalan nito para hindi malito ang bata sa papalit-palit ng partner ng kanyang ama kung sakaling ipapakilala ito ni Carlo sa lahat ng mga nakakarelasyong babae.


Pahayag noong ng akres, “Respect na lang sa akin, na huwag munang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner. Kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya, na okay lang magpapalit-palit ng partner. If ever man dumating ‘yung panahon na may papakasalan na siya, siguro ‘yun kailangan na namin magkita kita.”


Kaya naman sa nakikitang pinayagan ni Trina Candaza na makasama nina Charlie Dizon at Carlo Aquino si Mithi, nangangahulugan lamang na talagang tinupad ni Trina ang kanyang sinabi at handa siyang makipag-co parenting setup sa bagong mag-asawa sa pagpapalaki kay Mithi.


Kung titingnan naman sa mga kumakalat na larawan ay mahihinuhang nadedevelop na ang closeness nina Charlie Dizon at Mithi dahil makikita sa larawan na talagang si Charlie ang nag-aalaga at palaging nagbubuhat kay Mithi.


May mga larawan pa kung saan makikitang hinahalikan ni Mithi si Charlie at may larawan pang yakap ng mahigpit ng bata ang kanyang stepmother.


May mga netizens, naman ang labis na nasiyahan dahil sa wakas ay tila magiging maayos na ang isyu sa pagitan nina Trina Candaza, Carlo Aquino at Charlie Dizon.


Puring-puri naman sa ilang mga netizens si Trina Candaza dahil sa ipinapakita niyang kabaitan sa kabila ng mga pinagdadaanan niya noon at sa sinapit niya kasama ang kanyang dating karelasyon na si Carlo Aquino.


Hiling ngayon ng maraming mga netizens na sana ay makatagpo na rin si Trina Candaza ng lalaking magmamahal rin sa kanya ng lubusan, may mga humihiling naman na sana ay balang araw ay maging magkaibigan rin sina Trina Candaza at Charlie Dizon bilang mga ina ni Mithi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo